Filipino Hymn K-N


Malambing na tumatawag si Hesus


1.Malambing na tumatawag si Hesus
Sa iyo at sa akin;
Nais Niyang tayo’y magbalik-loob
At sa Kanya pumiling!


Ref
Lapit, Lapit! Ang napapagal lapit
Buong pusong si Cristo’y namamanhik,
Makasalanan, Lapit!


2.Pakinggan ang kay Hesus na pagsamo
Sa akin at sa iyo
Tugunin natin nang buhat sa puso
Lalapit ako, Cristo!


3.O ang pag-ibig na iginagawad
Sa iyo at sa akin;
Kahit nagkasala ay may patawad
Tanggapin mo ngayon din

 


Mangingibig kong Hesus


1.Mangingibig kong Hesus, Sa Iyo ’ko’y lumalapit,
’Pagka’t alon at unos, Sa ’kin ay sumasapit:
Ako ay Iyong ikubli, Hanggang bagyo’y lumipas;
Igabay akong muli, Tanggapin akong ligtas.


2.Tanging kanlungan Kita, Nakahawak lang sa Iyo;
Huwag Mong iwang mag-isa, Tukuran, aliwin Mo.
Sa Iyo’y nagtitiwala, Tulong Mo ay dadalhin;
Bigyang sanggalang nawa Sa magiliw Mong lilim.


3.Tangi Kang nilalayon; Kaysa lahat ng bagay;
Natisod Iyong ibangon, Bulag ay Iyong igabay.
Ngalan Mo’y tapat, banal, Ako ay kalikuan,
Ako’y karumal-dumal, Ika’y katotohanan.


4.Biyaya Mo ay sapat, Sinakop ang sala ko;
Paapawin ang lunas; Gawin Mong wagas ako.
Batis Ka ng buhay ko, Ika’y aking makamtan;
Sumibol Ka sa puso, Hanggang sa walang hanggan.

https://youtu.be/0weNfAdPy1o

 


Mapanatag Ka Kaluluwa


1.Mapanatag ka, aking kalul’wa!
Panginoo’y nasa ’yong piling S’ya.
Ipaubaya mo ang ’yong pasanin;
Katapatan N’ya’y di magmamaliw.
Kagipitan man ang dinaraanan
Kagalakan din ang pagdadalhan.


2. Mapanatag ka, aking kalul’wa!
Ang bukas ay ginagabayan N’ya.
Sa pag-asa ay h’wag mag-alinlangan;.
Liliwanag din ang kadiliman.
Mapanatag; kilala ng daluyong.
Ang tinig ng ating Panginoon.


3. Mapanatag ka, aking kalul’wa!
Araw ay tunay ngang malapit na;
Panginoo’y magbabalik sa atin
Pagawiin N’ya ang paninimdim;
Pag luha na’t pagbabago’y lumipas
Sa langit tayo’y dadalhing lahat.