Filipino Hymn K-N

Magtiwala Kay Cristo Ngayon


1. Taong alipin ng sala, Lumapit kay Cristo;
Palalayain ka Niya, Siya’y panaligan mo.


Refrain
O lumapit ka’t magtiwala Kay Cristo ngayon;
At ililigtas kang lubusan Ng panginoon.


2. Kanyang dugo ay nabuhos Dahil sa sala mo;
O tanggapin mo si Jesus, Ikaw’y mababago.


3. Katotohanan at daan Ay tanging si Cristo;
Manalig ka’t makakamtan Ang kaligtasan mo.


4. Langit ba’y ibig mong datnin? Kay Cristo manalig;
Tuwang hindi magmamaliw Iyong makakamit.

 


Mahal Ako ni Hesus


Mahal ako ni Hesus,
Ang sabi ng Bibliya
Mga bata’t matanda
lingatan niya tuwina


Refrain
Mahal ako ni Hesus
Mahal ako ni Hesus
Mahal ako ni Hesus
Sabi ng Bibliya


Mahal ako ni Hesus,
Kasama araw-araw
Pinagpapala niya ako
Tunay siyang kaibigan

 


Mahal Kita, O Panginoon


Mahal Kita, oh Panginoon
Buong buhay, sa Iyo’y alay


Nawa oh Diyos, Iyong tanggapin
Ang aking pagpupuri at pag-ibig

 


Mahal Kita, Hesus, Ikaw ay akin


1.Mahal Kita, Hesus, Ikaw ay akin;
Layaw ng sala’y itatakwil ko rin;
Manunubos, Manliligtas sa akin,
Kung mahal man Kita, Hesus, ngayon na!


2.Mahal Kita, una ’kong minahal Mo;
Binayaran utang ko sa Kalbaryo;
Tinik ang ipinutong sa ulo Mo,
Kung mahal man Kita, Hesus, ngayon na!


3.Mahal Kita, hanggang sa kamatayan;
Habang may hininga, ’Ka’y papurihan;
Ito’y maging huli kong panambitan,
Kung mahal man Kita, Hesus ngayon na!


4.Sa walang hanggang kaluwalhatian;
Sasambahin Kita magpakailanman;
May maningning na putong at awitan,
Kung mahal man Kita, Hesus, ngayon na!

https://www.hymnal.net/en/hymn/ht/544