Filipino Hymn K-N

Kaliwanagan


1.Lumalakad sa liwanag sa daan,
Maging sa bundak, o patag man
Sabi ni Jesus di ka liwan
Pangakong banal di kukulang.


Ref
Makalanggit na, kaliwanagan ,
Puspos ang kalui’wa kong tunay,
Aleluya may kagalakan
Akin si Jesus papurihan.


2.Kadiliman sa aking paligid,
Patnubay ko’y di matatakpan;
Liwanag S’ya’t walang kadlilman,
Laging sa piling N’ya hahakbang.


3. Sa liwanag ay may kagalakan
Patuloy sa kaitaasan;
Inaawit Kanyang kapurihan,
Sa liwanag ng pagmamahal.

 


Kalooban Mo Diyos ay Sundin


1.Kalooban Mo, Diyos ay sundin,
Sa kamay Mo ako’y hugisin;
Ako’y gawin Mong masunurin,
Ang Iyong nasa’y siyang gawin.


2.Kalooban Mo’y sundin, o Diyos!
At siyasatin yaring puso;
Pakalinisin akong lubos,
Ngayon sa Iyo’y dumudulog!


3.Diyos, ang gawin ay ang nasa Mo,
Huwag ang sa aking makatao;
Kapangyariha’y nasa Iyo,
Sampung kalinga at saklolo!


4.Sundin ang Iyong Kalooban
Buhay ko’y Iyong pagharian;
Diwa na banal, ako’y lukuban
Nang kay Hesus na kagandahan!