Filipino Hymn K-N


Kay Jesus agad umasa ka


Kay Jesus agad umasa ka
At nasa piling natin siya
Sa iyo ay nag-aanyaya,
Ng wikang lapit na


Koro
Anong laking kaligayahan,
Ang sa Iyo ay makipisan
Jesus kung kasama ay Ikaw,
Tuwa’y walang humpay.


Kung Siya’y isaalaala,
Lumbay mo’y magiging ligaya,
Sa iyo’y walang nasang iba,
Kundi gumaling ka.


Pagtawag Niya ay pakinggan,
At lubos nating sang-ayunan,
Marahil bukas ay masayang,
Lapit h‘wag lumiban.

 


Kay Jesus Iniaalay ko


Kay Jesus Iniaalay ko, sa Kaniya ang lahat:
Akin Siyang iibigin, magpahanggang sa wakas.


Koro:
Iniaalay ko, Iniaalay ko,
Sa ‘yo ang lahat Oh, Cristo Iniaalay ko


Kay Jesus iniaalay ko, paluhod sa paanan:
Kamunduha’y tatalikdan, kupkupin mo ngang tunay.


Kay Jesus iniaalay ko, gawin akong ‘yong Iyo;
Banal na diwa’y puspusin, ikaw ay suma akin.


Kay Jesus iniaalay ko, Ama buhay sa Iyo:
Pag-ibig mo ay ilapit, sa aki’y ipakamit.


Kay Jesus iniaalay ko, ang boong pagkatao;
Aleluya! Layang lubos, Gloria sa Manunubos!

 


Kay laking pagbabago sa aking buhay


1.Kay laking pagbabago sa aking buhay,
Nang si Kristo ay tanggapin!
Lumigaya ang pusong dati’y may lumbay,
Nang si Kristo ay tanggapin!


Ref
Nang si Kristo ay tanggapin!
Nang si Kristo ay tanggapin!
Galak ng puso’y nag-umapaw sa akin,
Nang Siya ay aking tanggapin!


2.Hindi na muling malilihis ng landas,
Nang si Kristo ay tanggapin!
Sa mga kasalanan ko ay naligtas,
Nang si Kristo ay tanggapin!


3.Nagkaro’n ng saysay ang hungkag kong buhay,
Nang si Kristo ay tanggapin!
Makamundong saya’y nawalan ng kulay,
Nang si Kristo ay tanggapin!


4.Kabalisahan ng buhay ko’y nawala,
Nang si Kristo ay tanggapin!
Kasiyahan ko’y matamis Niyang presensiya,
Nang si Kristo ay tanggapin!


5.Iniwan ko ang lumang gawi ng buhay,
Nang si Kristo ay tanggapin!
Mal’walhating pag-asa ang gumagabay,
Nang si Kristo ay tanggapin!