Filipino Hymn K-N


Nais mo bang Maibsan ng Pasan


1. Nais mo bang maibsan ng pasan?
Makapangyarihan ang dugo.
Nais mong sa sala’y magtagumpay?
Dugo’y may kapangyarihan.


Koro:
Ang dugo’y may kapangyarihan
Ang dugo N’yang mahal
Ang dugo’y may kapangyarihan
Ang dugo ni Cristong banal.


2. Nais mo bang puso’y dumalisay?
Makapangyarihan ang dugo.
Ang batik ng sala’y mahugasan?
Dugo’y may kapangyarihan.


3. Nais mo bang maglingkod sa Hari?
Makapangyarihan ang dugo
Mabuhay kang nagpupuring lagi,
Dugo’y may lakas na tangi.

 


Ng libong wika’y a’witin


1.Ng libong wika’y a’witin, Kayang kapurihan;
L’walhati ng D’yos at Haring Biyaya’y nagtagumpay.


2. Ngalang Jesus nag-aalis, Pangamba’t dalita;
Musika sa ‘ting pandinig Sa puso ay payapa.


3.Lunas sa salang bumihag S’ya’y nagpapalaya,
Kanyang dugong naghuhugas Naging aking tunay Nga.


4.Ang Wika N’ya pag nahayag Nagpapanumbalik;
Pusong hapis nagagalak; Ang aba’y nananalig.


5.Ng pipi S’ya ay purihin, Ng bulag S’ya ay masdan;
O ng bingi S’ya ay dingin; Ang pilay maglundagan.


6.Panginoon at aking D’yos Dalangi’y tulungan;
Sa buong mundo’y ipatalos L’walhati ng ‘Yong Ngalan.

 


Ngalang Hesus, O kay tamis


1.Ngalang Hesus, O kay tamis!
Nais kong laging marinig;
Ligaya ko ang masambit
Ngalang kaibig-ibig.


Koro;
Ngalang ubod ng tamis,
Ngalang ubod ng dikit;
Lagi kong sinasambit,
Jesus kong iniibig!


2.Kung ngalan Niya’y naririnig,
Payapa ang aking dibdib;
Napapawi yaring hapis,
Pangamba at ligalig.


3.Ngalan Niya ay may hatid
Na himig na makalangit,
Kaaliwang walang patid
Sa pusong tumatamis.


4.Ngalan Niya’y di mapantayan
Sa kagandaha’t kariktan;
Ngalan ni Cristo kong mahal
Aking papupurihan.