Filipino Hymn K-N


Mayro’ng Bukal Ng Dugo


Mayro’ng bukal nga ng dugo,
Galing sa Emmanuel;
Makasalanang lumusong,
Karum’ha’y nalinis;
Karum’ha’y nalinis;
Karum’ha’y nalinis;
Makasalanang lumusong,
Karum’ha’y nalinis.


Ang magnannakaw nun sa krus
Ay nakita ang bukal.
Maging akong tulad Niya rin
Ay dun dinalisay;
Ay dun dinalisay;
Ay dun dinalisay.
Maging akong tulad Niya rin
Ay dun dinalisay.


Aking Kordero! Ang dugo
Mo’y laging mabisa;
Hanggang Iglesya ng Diyos ay
Dina magkasala;
Dina magkasala;
Dina magkasala.
Hanggang Iglesya ng Diyos ay
Dina magkasala.


Magbuhat nang matagpuan
Batis ng ‘Yongsugat
Pagibig Mo’y awitin ko
Hanggang sa pagpanaw;
Hanggang sa pagpanaw;
Hanggang sa pagpanaw.
Pagibig Mo’y awitin ko
Hanggang sa pagpanaw.


Mayroong awitan, tala ay sumilang


Mayroong awitan, tala ay sumilang;
May inang tiwasay batang nahihimlay,
At patuloy ang ningning at ang awitan
Pagkat sa sabsaban Hari’y nakahimlay.


Malaki ang galak nang Siya’y dumatal,
Ang batang marangal na guro ng tanan;
At patuloy ang ningning at ang awitan,
Pagkat sa sabsaban hari’y nakahimlay.


Sa ningning ng tala panaho’y naghintay
At yaong awitan sa mundo’y umapaw;
Sa kala’y may ningas tana’y may awitan
Sa mga tahanang pinaghaharian.


Tayo’y nagagalak dahil sa liwanag
Awit sa itaas ating ibulalas
Atinngang isigaw ang balitang taglay,
Sambahin si Cristo doon sa sabsaban. AMEN.

 


Mga Hiyas Ng Tahanan


1. Mga hiyas ng tahanan, kaming mga bata,
Iniibig kaming tunay, ng Dios ng awa.


Refrain
Katulad ng bituwin, Kami ay magniningning,
Hanggang Siya’y makapiling, Pag kami kunin!


2. Pagtinipon kaming Hiyas, sa palasyong langit,
Buhay naming nagliwanag, lalong dirikit.


3. Mga bata ay magiging Hiyas ng tahanan,
Kung si Jesus iibigin Sa bawat araw.