Filipino Hymn A-J

Ako ay lumayo sa Diyos


1.Ako ay lumayo sa Diyos,
Pauwi na ’ko;
Sa kasalanan ay gapos,
Pauwi na ’ko.


Ref
Ako’y pauwi na,
Di na gagala;
Tawag ng pag-ibig Mo,
Pauwi na ’ko.


2.Maraming taon naaksaya,
Pauwi na ’ko;
Nagsisisi’t lumuluha,
Pauwi na ’ko.


3.Sa kasalana’y bagot na
Pauwi na ’ko;
Pag-ibig Mo at salita
Panghawakan ko.


4.Puso’t kalulwa’y mahapdi,
Pauwi na ’ko;
Pag-asa’t lakas mabawi
Sa pag-uwi ko.


5.Tanging pag-asa at samo,
Pauwi na ’ko;
Hesus namatay’t nagdugo,
Pauwi na ’ko.


6.Kailangan ko Kanyang dugo,
Pauwi na ’ko;
Lubos na hugasan ako,
Pauwi na ’ko.

 



Akong makita si Kristo, nga akong Manluluwas,
Nga nagabawi kanako, tungod sa kamatayon


Koro:
Akong makita si Kristo, Sa langitnong poluyan,
Sa mahimayaong nawong, sa ako nga Ginoo.


Dinhi ning kalibutana, ang kangitngit nagsanta,
Sa pag-ila sa himay, sa akong Manluluwas.


Pagkadaku sa kalipay, Sa langitnong puloyan;
Way kasakit, way kaguol , Sala ni kamatayon.


Kon moanhi na si Kristo, nga atong Manunubos,
Unya kita koronahan, sa kinabuhing dayon .


Ako’y Kay Jesus


1. Pagmamahal sa akin ni Cristo
Di nagmamaliw, di nagbabago;
Buhay Niya ay inihabdog
Nang ako’y matubos.


Koro:
Ako’y ngayo’y kay Cristo,
Si Cristo ay akin;
Kahit pumanaw sa mundo
At langit ay datnin


2.Buhat sa lusak ng kasalanan
Iniligtas ako ng lubusan
Ang buhay ko ay hawk niya
Dahil ako’y kanya


3. Sa aking puso’y nag-uumapaw
Ang kagalakan sa bawat araw;
Buhat nang iligtas ni Jesus
Sa ligaya’y puspos.

 


Ako’y lumalapit sa Iyo


1.Ako’y lumalapit sa Iyo,
Pag-asa’y dugong binubo,
At nang ako’y tinawag Mo,
Manliligtas, heto ako!


2.Ako sa Iyo’y lumalapit,
Di na maghintay malinis;
’Pagkat sapat ang Iyong dugo,
Manliligtas, heto ako!


3.Ako’y lumalapit sa Iyo
Bagama’t maraming gulo;
Takot sa lo’b at labas ko,
Manliligtas, heto ako!


4.Ako’y lumalapit sa Iyo
Dukha, aba’t bulag ako;
Kailangan ko’y nasa Iyo,
Manliligtas, heto ako!


5.Ako’y lumalapit sa Iyo,
Anuman ako’y tanggap Mo;
Pinatawad, nilinis Mo,
Manliligtas, heto ako!


6.Ako’y sa Iyo lumalapit
Sa di batid na pag-ibig;
Hadlang lubos inalis Mo,
Manliligtas, heto ako!