Filipino Hymn A-J


Gumawa’y Siyang Atas


Gumawa’y siyang Atas, Ni Jesus sa lahat;
Gumawa’y siyang utos ng Manunubos.
Kay Jesus gumawa ka, Gumawa lagi na,
Gumawa ng mabuti, Maglingkod lagi.


Gumawa’y Siyang tadhana, Sa bawa’t nilikha;
Nang mabuhay sa lupa’t magtamong pala.
Kay Jesus gumawa ka, Gumawa lagi na,
Gumawa ng mabuti, Maglingkod lagi.


Ang lakas ay gamitin, Sa gawang magaling;
Upang iyong tanggapin, pangakong bilin.
Kay Jesus gumawa ka, Gumawa lagi na,
Gumawa ng mabuti, Maglingkod lagi.

 


Halina at lumapit


Halina at lumapit
Sa Dios ng pag-ibig
At sa Kanya’y isulit
Ang lahat ng hapis
Mapapawi ang dusa
Dagling giginhawa
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya.


Koro
Sa puso’y may ligaya
Tayo’y malaya na
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya.


Kung kalul’wa’y may sala
Laging nanghihina
Waring walang pag-asa
Lumapit sa Kanya
May pagpapala t’wina
Dahil sa pagsinta
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya.


Puso ay bibihisan
Ng t’wa’t kagalakan
At kakamtin ang buhay
Na sa ati’y laan
S’ya’y ating kasama
Saan man humangga
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya.

 


Halina Kristiyano


Halina Kristiyano, masaya’t panalo.
Halina, Halina sa Bethlehem.
Masdan ‘sinilang Hari ng mga anghel


Koro:
Halina, Sambahin s’ya,
Halina, Sambahin s’ya,
Halina, Sambahin, Kristong Panginoon.


Anghel umawit na, sa kaligayahan,
umawit, kayong na sa kalangitan,
sa, Diyos, papuri sa kaitaasan.


Kami’y bumabati, Kristong bagong silang,
sa’yo ang papuri magpakailanpaman.
O naging tao ng ama ang salita.