Filipino Hymn A-J


Isang Gabing Kaaya Aya


1. Isang Gabing Kaayaaya,
May awitang napakinggan;
Mga anghel ay nagsasaysay:
“Si Cristo ay sumilang!”
Sa lupa ay kapayapaan,”
Pasabing sa Dios nanggaling;
Mga pastel ang nakarinig
Sa awitan ng anghel .


2. Patuloy na nag-aawitan,
Hukbo ng sinugong anghel,
Awit nila ay dinggin ninyo,
Mundong sa sala’y himbing.
Kayong nagdurusa nang lubha
At labis na napapagal,
Tumatawag ang mga anghel,
Sila’y inyong pakinggan.


3.O taong maraming pasanin,
Sa sala’y nabibigatan,
At sa landas na tinatahak,
Ilaw’y nahihirapan;
Magpahingalay ka ngayon,
Ang sala’y lisanin mo na;
Manalig sa Tagapagligtas,
Buhay mo’y liligaya.


4. Mga propeta ang nagsaad:
Sasapit na rin ang araw,
Kaguluhan ay magwawakas
Dito sa sanlibutan;
Kapayapaan ang iiral,
Sa puso’y magpapasigla,
At ang inaawit ng anghel
Ay may katuparan na!

 


Iyo ang I’walhati


1. Iyo ang I’walhati, O Kristong nagtagumpay,
Pang-walang-hanggang ginapi Ang kamatayan;
Anghel na nagliliwanag, Kweba’y binuksan,
Nahayag ang ‘yang libinga’y Walanang laman!


Ref
Iyo ang I’walhati, Jesukristong nabuhay
Pang-walang-hanggang ginapi ang kamatayan


2.S’ya ay Bumangon, Nabuhay para sa ‘tin!
Bu’ng pagmamahal na tayo Ay aaliwin;
O Kanyang buong Iglesia, Ay mag-awitan;
Pagkat Kanya nang nagapi Ang kamatayan!


3.Pagasang Tunay, Prinsipe Ka ng Buhay;
Di mabuti kung wala Ka, Kami ay tulunggan.
Sa dakila Mong pagibig Kami’y manlulupig;
Sa pampang ng aming Jordan Ay itatawid.

 


Jesus, Ako’y Lumalapit


1. Buhat sa aking kalungkutan, Jesus, ako’y Lumalapit,
Sa Iyong tuwa at kaligtasan, ako’y lumalapit.
Buhat sa salang karamdaman, Tungo sa Iyong kalusugan,
Buhat sa aking kasalanan; Jesus, Lumalapit.


2. Buhat sa aking pagkalungi, Jesus, ako’y dumudulog,
Upang sa Iyo’y pakandili, Ako’y dumudulog.
Buhat sa gawaing marumi, Tungo sa Iyong sakdal buti;
Umaawit ng pagpupuri, Ako’y dumudulog .


3.Buhat sa buhay na ligalig, Lumalapit ako Jesus;
Patungo sa banal Mong nais! Lumalapit, Jesus.
Buhat sa aking mga hilig, Patungo sa Iyong pagibig;
Upang masapit ko ang langit, Lumalapit, Jesus !


4.Buhat sa pangamba at takot; Jesus, ako’y tanggapin Mo,
Sa tahanang puspos ng lugod, Jesus, tanngapin Mo;
Buhat sa aking pagkalugmok, Tungo sa Iyong pagkukupkop;
Nang mamasdan Kita nang lubos, Jesus, tanggapin Mo!