Filipino Hymn


Akong makita si Kristo, nga akong Manluluwas,
Nga nagabawi kanako, tungod sa kamatayon


Koro:
Akong makita si Kristo, Sa langitnong poluyan,
Sa mahimayaong nawong, sa ako nga Ginoo.


Dinhi ning kalibutana, ang kangitngit nagsanta,
Sa pag-ila sa himay, sa akong Manluluwas.


Pagkadaku sa kalipay, Sa langitnong puloyan;
Way kasakit, way kaguol , Sala ni kamatayon.


Kon moanhi na si Kristo, nga atong Manunubos,
Unya kita koronahan, sa kinabuhing dayon .


Ako’y lumalapit sa Iyo


1.Ako’y lumalapit sa Iyo,
Pag-asa’y dugong binubo,
At nang ako’y tinawag Mo,
Manliligtas, heto ako!


2.Ako sa Iyo’y lumalapit,
Di na maghintay malinis;
’Pagkat sapat ang Iyong dugo,
Manliligtas, heto ako!


3.Ako’y lumalapit sa Iyo
Bagama’t maraming gulo;
Takot sa lo’b at labas ko,
Manliligtas, heto ako!


4.Ako’y lumalapit sa Iyo
Dukha, aba’t bulag ako;
Kailangan ko’y nasa Iyo,
Manliligtas, heto ako!


5.Ako’y lumalapit sa Iyo,
Anuman ako’y tanggap Mo;
Pinatawad, nilinis Mo,
Manliligtas, heto ako!


6.Ako’y sa Iyo lumalapit
Sa di batid na pag-ibig;
Hadlang lubos inalis Mo,
Manliligtas, heto ako!

 


Ako’y ilapit sa krus


I.Ako’y ilapit sa krus,
Mapagpalang Hesus;
May mahalagang bukal,
Doo’y umaagos.


Koro:
Do’n sa krus, do’n sa krus,
Aking l’walhati Ka,
Hanggang kaluluwa’y
Makapagpahinga.


II.Ang pag-ibig at habag,
Sa krus nasumpungan;
Ang Tala sa Umaga,
Doon ay makinang.


III.Ang mga tagpo sa krus,
Sa ‘ki’y ipakita;
Ako ay tulungan Mo
Na lumakad t’wina.


IV.Do’n sa kalapit na krus
Ako’y maghihintay,
Hanggang aking sapitin
Ang kabilang pampang

https://youtu.be/5EfF_NNqI68


Ang Dakalang Biyaya Ni Jesus


Ang dakilang biyaya ni Jesus sa akin,
Umid ang aking dila’t di kayang sambitin
Pasanin ko’y inibis, Diwa ko’y lumaya
Dahil sa inabot ng Kanyang biyaya!

Ref
Ang dakilang biyaya, ni Jesus,
Ay malalim pa kay sa dagat,
Ang dakilang biyaya ay sapat, Oo sapat,
Higit ang lapad sa aking sala,
Lampas sa aking kasalanan,
O! purihin natin ang kay Jesus na Pangalan!


Ang dakilang biyaya ni Jesus sa lahat,
Dahil diya’y luminis at ako’y nagligtas;
Tanikala’y naputol pinalaya ako,
Pagkat inabot ng biyaya ni Cristo!


Ang dakilang biyaya kahit na pusakal
Na salari’y nagiging tunay na ngang banal;
Kapayapaat langit, Ay idinudulot,
Sa sinumang nagtitiwala kay Jesus

 



Sa burol no’ng dati, ay may krus na luma,
Sagisag ng dusa’t pagkutya;
krus ay ‘tinatangi pagkat ang Dakila,
Ay du’n nagpamalas ng awa.


Refrain
Ang pag-asa ko’y ang lumang krus,
Pagka’t dun sala ko’y natapos;
At sa langit, pansamo ko’y krus,
Ni Jesus; ang Katwiran ng D’yos.


O ang krus na luma, hamak man sa mundo’y,
Kayamanang ‘tinuturing ko,
Pagkat ang Kordero ng Diyos, sa ‘ki’y dito,
Pinako noon sa Kalbaryo.


Sa dugong bumahid, dun sa krus na luma,
May bighaning nakamamangha;
Dun noon umagos ang dugo ng awa,
Na sa ‘ki’y nagpawalang-sala.


Sa ‘king krus na luma, sasampalataya;
Babatahin ang pangungutya;
Darating ang araw, ako ay kukunin;
Ni Jesus at lul’walahatiin!