Papurihang walang hanggan
1.Papurihang walang hanggan,
Kanyang kamahalan,
Ang Korderong Manunubos,
Itinaas ng Diyos.
Refrain
Purihin ngalan Niya,
Purihin ngalan Niya,
Purihin ngala’y Pangino’n.
Purihin ngalan Niya,
Purihin ngalan Niya,
Purihin ngala’y Pangino’n.
2.Higit sa lahat ng ngalan,
Hesus ay nabigyan.
Bubunyi ang sangnilikha,
Panginoon nga Siya.
3.Hukbong anghel sumasamba,
Lahat magtirapa.
Manliligtas ay sambahin,
Kordero’y purihin.
4.Sasamba rin ang naligtas,
Pur’hin Manliligtas.
Nagdugo Siya para sa ’kin,
Pagpala’y maangkin.
5.Dunong yaman pagkahari,
Dangal at l’walhati:
Sa Haring kapayapaan,
Magpakailan pa man.
Pastor Kang Aming Patnugot
Pastor Kang aming patnugot Pagiingat Mo’y lubos
Ikaw nga ang nagdudulot Ng tahanang malugod
Mapagpala naming Jesus, Nasa tana’y tumubos
Mapagpala naming Jesus, Nasa tana’y tumubos
Kami ngayo’y alagaan Sapagka’t Iyong tunay
Kaya’t sa tunay na daan Itungo kung maligaw
Mapagpala naming Jesus, Dinggin ang aming luhog
Mapagpala naming Jesus, Dinggin ang aming luhog
Ang pangako Mo ay pala Kahit masalang lubha
Ikaw sa ami’y maawa Iligtas sa dalita
Mapagpala naming Jesus, Lingapin ang may lunos
Mapagpala naming Jesus, Lingapin ang may lunos
Nang dagling mangatutuhan Banal Mong kalooban
Ang biyaya ay pakamtan Sa nangangailangan
Mapagpala naming Jesus, Lubusin ang pagibig
Mapagpala naming Jesus, Lubusin ang pagibig
Patnubay Siya – biyaya nga
1.Patnubay Siya—biyaya nga!
Makalangit na k’aliwan!
Sa sarili’t mga gawa,
Ako’y pinapatnubayan.
Ref
Patnubay Siya, patnubay Siya,
Patnubay ang Kanyang kamay;
Tapat akong alagad Niya,
Patnubay ang Kanyang kamay.
2.Kung minsa’y walang ligaya,
Kung minsa’y tulad ng Eden,
Maalon ma’t mapayapa,
Kamay Niyang pumatnubay rin.
3.Panginoon, ako’y tangnan,
Tatanggapin Iyong ibigay,
Maging pala o hirap man,
Yamang Ikaw ang patnubay.
4.Sa pagtapos ng ’king gawa,
Nagwagi dahil sa b’yaya,
Mamatay ma’y di ma’ngamba,
Iyong kamay pa ring nagdala.