Filipino Hymn O-Z

O Jehovah Patnubayan


O Jehovah Patnubayan
Mo yaring manlalakbay;
Mahina man nga kong tunay;
Ika’y aking kalakasan;
O Tinapay Ka ng Buhay;
Kagalakan kaylanman;
Kagala kan kaylanman.


Buksan batis na da luyan
Ng kagalingang tunay;
Ang ‘Yong Ilaw maging gabay
Sa mundo ng karimlan;
O Dakilang Manunnubos
Kalakasan Kang lubos;
Kalakasan Kang lubos.


Sa ‘king pagtawid sa Jordan
Al’sin ang agam agam;
Ang takot nawa’y ma param.
Sa sumpa’t kamatayan.
At sa langit aawitan
Papuring walang hanggan
Papuring walang hanggan.

 



1 O Jesus, pangako’ ko A magsirbi komo.
Mammumbot ko nin Cristo, Andi’ moko puryan.
Mababa’ nin labanan A sarban kaaway
Ta si’kay kaantabay Tan mangingidalan.


2 Ipaingar mo paynan mampisyon ka kongko;
No rumate’ a tukso, Antabayan moko.
Say kabuno’ nin maksaw, A nanglibed kongko,
Kadanyan nako, Cristo, Ket iyagel nako.


3 O Jesus, pangako’ mo Konran iti komo
A mataman adti ka ket, Itaw saran lamang.
Pangako’ ko nin ma’get A komo kumapet
Anggaynan maka’numan, Kai taka syayan.


O Kahanga Hangang Biyaya


1. O biyayang kahanga-hanga higit sa sala ko’t dalita;
Sa Kalbaryo’y tumulong kusa and dugo ni Cristong sagana.


Chorus:
O kay lawak nitong biyayang pagliligtas;
O kay lawak ng kay Cristong pagpapatawad.


2. Sala’t lungko’t ko’y parang along nagbabantang ako’y ibaon;
Sa biyaya ng Panginoon, kalul’wa ko’y nakapanganlong.


3. Kahihiyan ko’y di malingid, pagkat ubod ng dami’t dungis;
Ngunit sa biyayang tumigis, maruming puso ko’y luminis.

https://youtu.be/gjFtrFTp1UE?si=lB1t0gb0YtX0OUCs

 


O kay gandang araw iyan


Darating ang isang araw
na wala ng karamdaman
Luha man sa mga mata
Pati ang kalangitan
lahat ay kapayapaan
At puro kasiyahan
O kay gandang araw naman yan.


Ref
O kay gandang araw iyan
Si Hesus ay masilayan
Mukha Niyang maliwanag
Nagbigay kaligtasan
Kukunin Niya tayong lahat
Dadalhin sa kaharian
O kay gandang araw naman yan.


Wala ng kalungkutan
Pati ang kabigatan
Sakit ay maglalaho
Pati ang kamatayan
Magpakailanman tayo
Ay Kanyang sasamahan
O kay gandang araw naman yan.