Filipino Hymn O-Z


Pag kapayapaa’y ilog na kay tining;
O kung may sigwang dumating;
An’ mang kahat’nan, turo Mong tunay nga;
Payapa, kalul’wa’y payapa.


Koro:
kalul’wa’y(kalul’wa) payapa(payapa)
Payapa, kalul’wa’y payapa.


Kahit ang kaaway at dusa’y dumating;
May katiyakang tatangnan;
Si Kiristo’y lumingap sa kalagayan
Ang buhay sa aki’y ‘binigay


Lahat ng sala’y inako N’yang lubusan.
Kay dakilang kagalakan!
Sa krus natapos ang pasan nang laon;
Pulihin aking Panginoon


Sana’y dumating na ang ‘Yong pagbabalik;
Tup’din na ang aking pananalig,
Trumpeta’y hudyat ng lyong pagbaba;
Lalo nang kalul’wa’y payapa.


Poon, Huwag Akong Lampasan


1.Poon, huwag akong lampasan,
Samo’y pakinggan;
Nang iba’y Iyong tinatawag,
Ko’y huwag lampasan.


Ref
Manliligtas,
Samo’y pakinggan;
Nang iba’y Iyong tinatawag,
’Ko’y huwag lampasan.


2.Sa luklukan ng Iyong awa,
Kamtan ginhawa;
Nakaluhod, nagsisisi,
Sa aking sala.


3.Sa galing Mo’y nagtiwala,
Hahanapin Ka;
’Spiritung bagbag lunasan,
Ng Iyong biyaya.


4.Ika’y batis ng ginhawa,
Sa ’kin buhay ka;
Liban sa Iyo ay wala na,
Dito sa lupa.

 


Purihin ang Panginoon


Purihin ang Panginoong Kataas-taa-san!
O kalul’wa purihin S’yang iyong kaligta-san!
O ang lahat, sa Trono N’ya’y lumapit;
Magpuri tayo’t uma-wit!


Purihin ang Panginoong lubos naghaha-ri,
Nag-iingat sa atin at nagpapanati-li!
Di nga ba’t ang ating nasa’y nakamtan
Sa Kanyang katalaga-han?


Purihin ang Panginoong sa ‘ti’y nagpapa-la;
Sumasaa-tin sa t’wina ang Kanyang biya-ya
Panilayan dakilang kabutihan
Na’ng D’yos ating Kaibi-gan.


Purihin ang Panginoong kapag may digma-an,
O may bagyong nagdudulot ng kapinsala-an,
Nag-uutos na tumigil ang sungit;
Digma’t bagyo’y tatahi-mik.


Purihin ang Panginoong pag ang kadili-man
Ay laganap at waring gapi na ang katuwi-ran,
Nag-uutos na liwanag sumikat;
Sa sti’y S’yang nag-ii-ngat.


Purihin ang Panginoong! Lahat ay magpu-ri!
Purihin S’yang sa pag-ibig sa ati’y mabu-ti.
Kanyang bayan ay sumigaw ng Amen!
Ating Hari S’ya’y puri—hin!