Filipino Hymn O-Z


Sa payak na sabsaban


Sa payak na sabsaban ni kuna’yy wala
Ang sanggol na si hesus ulo’y nakahiga
Tala sa kalangita’y doon nakatunghay
Ang sanggol na si hesus sa dayami nakahimlay


Mga baka ay nag ka ingay ang musmos ay nagising
Ang sanggol na si hesus iyak di maririnig
Mahal kong panginoon mula sa langit masdan
Sa duyan ko ako’y samahan hanggang sa mahimbing


Yakapin mo panginoon ika’y manatili
Kasamaka kailanman pag-ibig mo ang hinihingi
Mga anak mo ay pagpalain at kalingain
Ihatid mo sa langit ikay makapiling

or


Doon sa sabsaban, dukhang sumilang,
Ang sanggol na buhay ng sanglibutan;
Tuyong kumpay ang ginawang hihigan,
Tulad sa dukha, ngunit Dios ng tanan,


Manginginain doo’y mga hayop,
At ang sanggol ay gising at di takot;
Gayon din, Jesus, sa aking pagtulog,
Iyagapay Mo ang iyong pagkupkop.


Sa aking naman ay hwag kang mawalay,
O Cristo na Panginoon ko’t buhay;
At ang landas sa Iyo’y mangahimlay,
Handa sa langit na kasama’y Ikaw.

 


Sa Walang Hanggang Kamay


1. Matamis na pakikipanayam,
Sa piling ng Tagapagligtas;
Laking biyaya’t kapayapaan,
Sa Kaniya’y nararanasan.


Ref
Hilig, sandal,
Ligtas sa mga sakuna;
Hilig, sandal,
Sa walang hanggang kamay Niya.


2.Lumakad sa makipot na daan,
Paakay sa Kaniyang kamay;
Sa bawa’t araw lumiliwanag,
Dahil sa Kaniyang patnubay.


3.Walang alinlanga’t pagakatakot,
Ang nasasa kamay ni Jesus;
Kapayapaan ang makakamtan,
Kung si Cristo ay makapisan

 



Saan mang dakong Kasama si Jesus,
Ako ay ligtas sa pangamba’t lungkot
Saan mang wala S’ya’y mayroong lunos,
Hapis at luha ay magsisi-agos,


Refrain
Saan man, Saan man papatnubayan,
Saan man sa Kanya’y may kaligtasan


Saan mang pook si Cristo’y kapiling,
Ako ay ligtas sa mga hilahil;
Magsapin-sapin man dusa’t hilahil,
Ako ay payapa kanyang piling.


Saan ma’y ligtas at walang panganib,
Sa hibo ng daya nitong daigdig
Kung lagi nang si Jesus ang kaniig,
Pala ay aki’t wala nang tigatig.


Kung Ako’y tapat at di hihiwalay,
Ang kandungan N’ya ang aking himlayan,
O lubhang mapalad ang aking buhay,
Sa langit ng ligayang walang hanggan!