Maraming korona Iputong sa Kanya;
Dinggin ang pagaawitan, Sa bu’ng kaIangitan!
Gising O kalul’wa Umawit sa Kanya
Purihin ang Manunubos, Ang Kordero ng D’yos!.
S’ya’y Hari ng Buhay, Bumangon sa hukay;
Para sa ‘ting kaligtasan, S’ya ay nagtagumpay;
Tayo’y magawitan Kay Kristong namatay;
Nabuhay nang kamataya’y Mapuksang tuluyan.
Hari ng Pag-ibig Na nagpakasakit;
Masdan Kangang naging sugat; Sa inakong hirap.
Anghel sa langit man Di kayang pagmasdan
Ang D’yos na na ‘pinako sa krus, Panginoong Jesus.
Putungan S’yang Hari Ng kapayapaan;
Ang setro’y iwawagayway Hinto ang digmaan.
Ang paghahari N’ya Ay di matatapos.
Hanggang ang langit at lupa’y Paghariang lubos.
Sa aking kahinaan
Sa aking kahinaan O palakasin Mong tunay
Puso’y may kapayapaan pag ikaw ang lagibg kaakbay.
Ref
O Jesus dalangin ko Sa lyo ay ilapit Mo
Ang aking buhay O Cristo ilaan sa gawain mo
Buhay ko pag nagwakas at ako’y lyong tinawag
liwan ang dusa’t hirap uuwi sa bayang marilag.
Sa Ama Ang Daigdig
Sa Ama Ang Daigdig
Aking naririnig
Sangnilikha’y umaawit
Sa aking paligid.
Kanya ang daigdig;
Aking pananalig:
Bawat bagay, bawat buhay
Likha nga N’yang tunay.
Sa Ama Ang Daigdig
Ibo’y umaawit;
Ang liwanag, ang bulaklak;
Nagpupuri ang lahat.
Kanya ang daigdig;
Ganda ng paligid;
Sa aki’y kumakausap
Lwalhati’y hinahayag
Sa Ama Ang Daigdig
Laging isaisip;
Kahit kasam’ay laganap;
D’yos ang Hari ng lahat.
Kanya ang daigdig;
Lwalhati’y sasapit;
Lubusang magtatagumpay
Kristong ating buhay.