O Pag-ibig na Dakila
1. O pag-ibig na Dakila,
Mapasa-amin nawa.
Sa tahanan Mo’y itugma,
Busugin sa biyaya.
Ikaw ay lubhang mahabagin,
Jesus na magiliwin.
Kaligtasan Mo’y iibagin,
Suma-puso nga namin.
2. Ang Espiritu’y ilakip,
Sa damdaming may hapis;
Maghari sa aming isip,
Nang sa Iyo’y umibig.
Huwag Mo kaming pabayaan,
Sa tuksong kasamaan.
Ang banal Mong kalooban,
Kami ay pangunahan.
3.Kailangan naming ngayon,
Ang lingap Mong hinahon.
H’wag bayaang maparoon,
Sa nag-akmang linggatong.
Hangad nami’y kabuhayan,
Na nasa lyong dangal,
At hindi masusumpungan,
Sa sinomang kinapal.
O pinagpalang katiyakan, Jesus ay akin, anong ~inam;
Tagapagmanang supling ng D’yos ; Sa sala’y nilinis ni Jesus
Refrain
Ito ang aking kwento’t awit, Ng pagpupuring hanggang langit;
Ang aking tanging Manunubos kwento’t awiting di-matapos
Pagpapasakop nang lubusan; Aking lubos na kaga ~ lakan ;
Mga anghel ay naghahatid Bulong ng awa at pag-ibig.
Pagpapasakop nang lubusan; Mayro’ng t’yak na kapaya ~ paan ;
An’mang mangyari’y nakatingin Sa buti’t pag-ibig N’ya sa ‘kin.
Pag-ibig ng Diyos ay dakila
1.Pag-ibig ng Diyos ay dakila
Kaysa maisasatula.
Lampas sa malayong tala
Sagad sa napakababa.
Unang pares ang nagkasala,
Hesus nama’y nagtubos;
Silang lahat pinagkasundo,
Pinatawad nang lubos.
Ref
Wagas na pagsinta ng Diyos
Tapat at di masukat!
Awit ng banal at anghel
Ay di makasapat.
2.’Pag panahon ay lumipas,
Kaharia’y magsibagsak,
Kapag tanan di manalangin,
Sa bundok ay magsitawag;
Ang pagsinta ng Diyos ay wagas
At di matitinag;
Mapanubos na biyaya
Kay Adam ’nilagak.
3.Ang dagat ma’y maging tinta,
Bawa’t sanga’y gawing pluma;
Ang langit ma’y maging panulat,
Bawa’t isa’y manunulat;
Ang dagat ay maiiga,
Langit ma’y kulang pa,
Kung isulat na talaga
Ang Kanyang pagsinta.