Tindig Ka at Kay Jesus
1. Tindig ka at kay Jesus, Tayo ay sumunod,
Alsin ang pagkatakot, Sa pakikihamok;
Ngayo’y naninilbihan, Taong karamihan,
At nangakikilaban, Hindi nagtatahan.
2. Kay Jesus ka sumanib, Lakas Niya’y gamit,
Wala kang masasapit, Sa hina mong labis,
Kasulata’y isangkap, Sa habang paglalakad,
Nang pakikipaglamas, At nang di malinsad.
3. Magtindig at humayo, Ituloy ang nais;
Pakinggan mo ang tinig Ng nagsisiawit,
Pinupuri ng tanan, Ang Haring nagdiriwang,
Nanagbigay ng buhay, Sa nasa libingan.
4. Tindig para kay Jesus, Digma’y matatapos;
Ngayo’y pakikihamok. At bukas ay lugod,
Ang bawat magtagumpay, May putong ng buhay;
Sa Dios ay mapipisan, Magpakailanman.
Tunay kang matapat
Tunay kang matapat Dios naming Ama,
Di nagbabago di nagiiba,
Mahapon matanghali maumaga
Sa buong panahon matapat ka!
KORO:
Tunay kang matapat
Tunay kang matapat
Araw araw aking namamalas
Ang iyong kabutihang walang kupas
Tunay kang matapat sa paglingap
Tag araw tag ulan at tag ani
Araw buwa’t bituin sa gabi
NAg aawitang langit sumasaksi
Sa katapatan mong anong laki
Kapatawaran at kapayapaan
Mga pangako mong umaakbay
Lakas ngayo’t pag asang sumisilang
Ang lahat ng ito’y iyong bigay..
https://youtu.be/wVJeMaQDJyk
Tungong Langit Sa Pag Akyat
1.Tungong Langit Sa Pagakyat, ang lakad ko orasoras
Humihibik sa paglakad Dios, itultol Mo ang landas.
Refrain
Tulungan Mo sa pag-akyat, Sa layuning hinahangad;
Higit sa aking namalas, Do-on a-ko ma-sa-sad-lak
2.Ang nais ko ay iwasan ang takot at alinlangan
Kaya itong aking pakay Ay mataas yaring buhay
3.Nais ko ri’y ang tahanan sa piling ng Dios kong mahal
Maging tukso’y di hahadlang Kasama ko’y pawang hirang.
4.Ang layon ko ay ang datnin ang tahanang nagnining
Doon sa langit daodalhin Sa hantunga’y mapapansin.