Filipino Hymn O-Z

Tayo ngayo’y pasalamat sa Dios


O Dios, salamat po kamay, tinig at puso,
Sa’yo ito’y galing Upang aming gamitin,
Aming inang mahal, nag-aruga sa amin,
Pag-ibig nadama pagkat mabuti ka.


O Dios, aming mahal, Pag-asa Ka sa buhay,
Puso’y nalulugod sa biyaya Mong handog,
Kami’y ingatan sa mundong magulo,
Sa tukso ng diablo kami ay ilayo.


O Dios, dakila Ka, Kasama Ka sa t’wina,
Kami ay tinubos ni Jesus doon sa krus,
Upang walang hanggang buhay ay makamtan,
Salamat sa Iyo, Dios na mapagmahal.

 


Tayo’y mag-awitan, Aleluya! Amen!


Tayo’y mag-awitan, Aleluya! Amen!
Dios ating papurihan! Aleluya! Amen!
Sumamba tayong tunay Sa harap ng luklukan;
Tayo ay Kangang hirang Aleluya! Amen!

 


Tayo’y Nagtitipon


Tayo’y Nagtitipon upang ating hingin;
Pagpapala ng Panginoon natin;
Masama’y hindi na humahapis sa ‘tin,
Papuri sa Pangalan Niya’y awitin.


Ang ating Diyos tayo’y pinapatnubayan,
pinatatatag N’ya ang kaharian;
Kaya nagwawagi sa pakikipaglab Ikaw,
O Panginoon ay kaakbay


Lahat kami, sa’Yo Jesus, nagpupuri,
Nawa’y maging Sanggalang Kang parati.
H’wag Mong tulutang bayan Mo’y maduhagi;
Ngalan Mo’y purihin! Palayain kami