Filipino Hymn O-Z


Tayo ay humayo, magtanim sa puso


Tayo ay humayo, magtanim sa puso
ng maraming taong nasisiphayo,
Buhay na Salita, ating ibalita,
tayo ng umani ng gintong bunga.


Koro:
Ibahagi na, dalhin sa madla, Mabuting Balita sa mga bansa,
Ibahagi na, dalhin sa madla, halina’t anihin ang gintong bunga. Amen.


Tayo nang umani sa bawat umaga,
ang maraming bunga’y naghihintay na,
Ang Pangino’ng Jesus ay nag-aanyaya,
tayo na’t anihin ang gintong bunga.


Bungkalin ang lupa, magtanim, umasa
na sa tamang oras ay aani ka,
Minsan may pagtangis, ngunit may pag-asa
bawat kalungkutan, magiging saya.

 


Tayo ay Magalak


Tayo ay magalak at magpasalamat,
Iwagayway ang watawat, krus ni Cristong tapat,


Koro:
Boong Galak, Na magpasalamat. A-men.


Sa awit ng anghel, ng lupa’y gayon din,
Ang kat’waan sa taginting ay ating awitin.


Ating ibandila sa pakikidigma,
Sa karimla’y manalasa hanggang kamta’y pala.


Oo, sa paglakad, awiting may galak,
At gumawa bawa’t oras sa lugod at hirap.


O pusong dalisay, magalak na tunay,
Ang bandila’y iwagayway, Krus ni Cristong banal.

 


Tayo ngayo’y pasalamat sa Dios


O Dios, salamat po kamay, tinig at puso,
Sa’yo ito’y galing Upang aming gamitin,
Aming inang mahal, nag-aruga sa amin,
Pag-ibig nadama pagkat mabuti ka.


O Dios, aming mahal, Pag-asa Ka sa buhay,
Puso’y nalulugod sa biyaya Mong handog,
Kami’y ingatan sa mundong magulo,
Sa tukso ng diablo kami ay ilayo.


O Dios, dakila Ka, Kasama Ka sa t’wina,
Kami ay tinubos ni Jesus doon sa krus,
Upang walang hanggang buhay ay makamtan,
Salamat sa Iyo, Dios na mapagmahal.