Filipino Hymn O-Z


O Haring Walang Hanggan


1. O Haring Walang Hanggan, kami po’y Iyong tulungang Magawitan;
O Dios na marangal At mapagtagumpay, kami’y pagharian Kailanpaman.


2. O Cristong Hari naming, Ang aming mga dalangin Iyong dinggin;
Laging pagpalain Ang bayan Mong angkin, At pakabanalin Sa gawain.


3. O Dios na Diwang Banal, Ang mga aral Mong sakdal Ay itanglaw,
At kami’y turuang Ikaw’y paglingkuran; H’wag mo kaming iwan Kailanpaman.


4. Dios na Tatlong persona Ngunit tunay na iisa, Dakila Ka!
Niluluwalhati Ka nami’t sinisinta; kami’y sumasamba, Aleluya!

 



1 O Jesus, pangako’ ko A magsirbi komo.
Mammumbot ko nin Cristo, Andi’ moko puryan.
Mababa’ nin labanan A sarban kaaway
Ta si’kay kaantabay Tan mangingidalan.


2 Ipaingar mo paynan mampisyon ka kongko;
No rumate’ a tukso, Antabayan moko.
Say kabuno’ nin maksaw, A nanglibed kongko,
Kadanyan nako, Cristo, Ket iyagel nako.


3 O Jesus, pangako’ mo Konran iti komo
A mataman adti ka ket, Itaw saran lamang.
Pangako’ ko nin ma’get A komo kumapet
Anggaynan maka’numan, Kai taka syayan.


O Kristiyanong Kawal


1. O! Kristiyanong kawal, Hayo sa laban,
Ang Krus ni Jesus ang Nasa unahan,
Si Cristong marangal, Pumapatnubay;
Hayo sa digmaan, Siya ang sundan.


Refrain
O! Kristiyanong kawal, Hayo sa laban,
Si Jesus ang unang, nakikilaban.


2. Ang Iglesyang hirang, Hukbong kalakhan,
Ang dinadaana’y Landas na banal
Katawang iisa, Nagtutulungan;
Iisa ang aral, Pagmamahalan.


3. Siya’y ating ihayag, At nang tumakas,
Ang bumabagabag Na si Satanas,
Tulinan mo ang lakad, Dalhin ang hirap,
Nang tunay nating malasap, Bihis nagalak.


4. Lapit na O! Bayan, At makipisan,
Sa aming awitan, Ng pagdiriwang;
Puri at paggalang, Kay Cristong Ngalan
Magpakailanma’y Awit ng tanan.

 


O Pag-ibig na Dakila

1. O pag-ibig na Dakila,
Mapasa-amin nawa.
Sa tahanan Mo’y itugma,
Busugin sa biyaya.
Ikaw ay lubhang mahabagin,
Jesus na magiliwin.
Kaligtasan Mo’y iibagin,
Suma-puso nga namin.

2. Ang Espiritu’y ilakip,
Sa damdaming may hapis;
Maghari sa aming isip,
Nang sa Iyo’y umibig.
Huwag Mo kaming pabayaan,
Sa tuksong kasamaan.
Ang banal Mong kalooban,
Kami ay pangunahan.

3.Kailangan naming ngayon,
Ang lingap Mong hinahon.
H’wag bayaang maparoon,
Sa nag-akmang linggatong.
Hangad nami’y kabuhayan,
Na nasa lyong dangal,
At hindi masusumpungan,
Sa sinomang kinapal.