Filipino Hymn O-Z


Tayo ay humayo, magtanim sa puso


Tayo ay humayo, magtanim sa puso
ng maraming taong nasisiphayo,
Buhay na Salita, ating ibalita,
tayo ng umani ng gintong bunga.


Koro:
Ibahagi na, dalhin sa madla, Mabuting Balita sa mga bansa,
Ibahagi na, dalhin sa madla, halina’t anihin ang gintong bunga. Amen.


Tayo nang umani sa bawat umaga,
ang maraming bunga’y naghihintay na,
Ang Pangino’ng Jesus ay nag-aanyaya,
tayo na’t anihin ang gintong bunga.


Bungkalin ang lupa, magtanim, umasa
na sa tamang oras ay aani ka,
Minsan may pagtangis, ngunit may pag-asa
bawat kalungkutan, magiging saya.

 


Tayo ay Magalak


Tayo ay magalak at magpasalamat,
Iwagayway ang watawat, krus ni Cristong tapat,


Koro:
Boong Galak, Na magpasalamat. A-men.


Sa awit ng anghel, ng lupa’y gayon din,
Ang kat’waan sa taginting ay ating awitin.


Ating ibandila sa pakikidigma,
Sa karimla’y manalasa hanggang kamta’y pala.


Oo, sa paglakad, awiting may galak,
At gumawa bawa’t oras sa lugod at hirap.


O pusong dalisay, magalak na tunay,
Ang bandila’y iwagayway, Krus ni Cristong banal.

 


Tatlong Hari na naglakbay


Tatlong Hari na naglakbay
May handog kaming taglay
Batis, bundok, lati’t parang
ang tinuntong tunay


Koro
O talang kahangahanga
May gandang maharlika
Sa pakanlurang lakabayin
patnubay ng ningning(Amen)


Hari’y nilang sa Bethlehem
Sa kanya’y ginto ang hain
Dakilang Hari nating
hindi magmamaliw


Ang aking dala’y kamanyang
sa kanyang Angking kadiosan
Ang lahat ay mag-aalay
Ng pagsambang tunay