Filipino Hymn O-Z

Susundin Kita O Cristo


1. Si Cristo’y nananawagan, Tayo ay tinatawagan,
“Pasanin mo ang iyong krus, at sa akin laging Sumunod.”


Ref
Susundin Kita, O Cristo, Kahit na saan hahayo;
Ang banal Mong kalooban, Susundin ko magpakailanman.


2.Buhay ko ay pagharian, ng banal Mong kalooban;
Kahit na saan akayin, Ang nais Mo’y laging gagawin.


3. Kahit na may pag-uusig, Di ako maliligalig;
Susunod pa rin kay Cristo, Kahit hirap ang danasin ko.


4. Si Jesus ang papatnubay, at sa aki’y aalalay;
Saan man ako magtungo, Kagalaka’y nasa puso ko.

 


Tagumpay kay Jesus


1. Narinig ko ang ulat, kay Jesus na pagliligtas,
Naparito S’ya at namatay, sa sala’y bumihag
Sa Kan’yang paghihirap, at sa dugo N’yang dumanak,
Niligtas ako sa sala’t tagumpay nalasap


Koro:
Oh tagumpay kay Jesus, aking manunubos
Sa aki’y humango’t umibig ng taos
Buhay ko’y iaalay, at S’ya’y paglilingkuran,
Ng dahil sa tagumpay ng dugo N’yang mahal


2. S’ya’y lunas sa may hapis, may lakas Siyang luminis,
Ang pilay, bulag, at bingi’y Kaniyang binihis;
‘Nawag ako kay Jesus, kalusugan ko’y ibalik,
‘Di Siya sa ‘kin nagkait, tagumpay nakamit


3. Naghahanda ng dako, doon sa kal’walhatian,
Ang lahat doong lansanga’y pawing gintong lantay;
Awit ng mga anghel, ay tigib ng kagalakan,
Walang hanggang pagpupuri dahil sa tagumpay

 


Talagang lubos na akay


1. Talagang Lubos Na akay, Ng aking Manunubos
Kahabagan N’ya ay tunay, Na hindi matatapos.
Payapa’t merong pag-asa, Sa Kanya’y nananalig;
Kay Jesus may buting bunga, Anuman ang sumapit;


2. Talagang Lubos Na akay, May galak sa landasin.
Sa pagsubok merong tibay, May biyaya sa akin.
Sa gitna ng kahinaan, Pagod at pagkauhaw
May bukal ng kagalakang, Sa uhaw ay pantighaw;


3. Talagang Lubos Na akay, Ng pag-ibig N’ya sa ‘kin!
May kapahingahang tunay, Na pangako sa akin.
Pag ako’y niluwalhati, Sa muling pagkabuhay
Aawitin kong palagi; Si Jesus ang nag-akay.