Si Jesus Ang Kaibigang Tapat
1.Si Jesus ang kaibigang matapat kailanpaman;
Tayo ay tinutulungan at pinapatnubayan;
Kay daming lumbay at hirap na ating dinaranas,
Bakit di natin ilagak sa Kanyang lahat-lahat.
2.May pagsubok ba sa buhay at salang pinapasan?
Tayo’y huwag manlulupaypay, sa Dios natin isaysay;
Si Cristo’y walang katulad na karamay sa hirap;
Sa Kanya tayo tumawag upang tayo’y maligtas.
3.Tayo ba ay may pasanin at mga suliranin?
Sa Diyos natin idalangin, at tayo’y aaliwin;
Kaibigan ma’y lumimot, sa Dios natin idulog;
Kay Hesus tayo pasakop at laging magpakupkop.
Sino ang sa panig ng Panginoon
1.Sino ang sa panig ng Panginoon?
Sumunod, mamuhay lagi sa Kanya?
Para kay Hesus handa siyang sumulong?
Mundo’y itakwil at makipagbaka?
Refrain
Dahil sa biyaya at Iyong pagtubos,
Kami’y sa Iyong panig, Panginoong Diyos.
2.Sa hukbo umanib, makipagbaka,
Di para sa putong o luwalhati,
Kundi sa pag-ibig at biyaya Niya,
Sa Kanya ako ay dapat kumampi.
3.Tinubos Mo upang maging Iyong bayan,
Di ng ginto’t pilak, kundi ng dugo;
Sa sumunod, biyaya’y walang-hanggan,
Malayang sumulong at taos-puso.
4.Mabagsik man ang laban o kaaway,
Hukbo ng Panginoon ay matatag;
Sa pamumuno Niya’y t’yak ang tagumpay,
Katapatan, kapanaiga’y hayag.
5.Hinirang na kawal sa paglalaban,
Tinawag at tapat sa Kanyang hukbo;
Di-manlalamig, Hari’y paglingkuran,
Maging matapang tunay, tapat, wasto.
Sumigaw ang Sinumang makarinig!
Sumigaw ang Sinumang makarinig!
Dalhin balita sa buong daigdig;
Ang ebanghelyo sa tao’y ihatid:
Lumapit ang may ibig!
Pigilin
Sinumang tao ang nagnanais!
Magpahayag sa bundok at dalisdis;
Tumatawag ang Amang umiibig:
Lumapit ang may ibig!
Ang lumalapit ay huwag nang mabalam,
Magmaagap, bukas pa ang pintuan;
Si Hesus ang tunay, Buhay na Daan:
Lumapit ang may ibig!
Ang may ibig!, pangako’y nakahanda;
Ang may ibig! ay kailangang magbata;
Ang may ibig, buhay na ‘di hahanga;
Lumapit ang may ibig.