Si Bathala ang Matibay
Si Bathala ang matibay, Moog ng kalakasan,
Siya ang ating Tanggulan, sa madlang kasamaan.
Pagkahinahalay Tayo ng kaaway,
Ang Dios ang tawagan, Kanyang kalakasan,
Tulong na kailangan.
Kung sariling kalakasan, Ang s’yang panghahawakan,
Tayo ’y di magtatagumpay. Sa ‘ting pakikipaglaban;
Ngunit kung si Cristo, Ang ating kapisan,
Hindi matatalo, Tayo sa digmaan.
Sa Kanya’y may tagumpay.
Ang mundo man ay mapuspos,Ng kasalanang salot,
Kami’y hindi matatakot , Pagka’t kasama ang Dios.
Puno ng karimlan, Di katatakutan.
Pagka’t nalalamang, Siya’y wawakasan,
Kay Cristong wika lamang.
Ang kanyang katotohanan , Ay wala ng kapantay,
Espiritu ay kaakbay , Kapanig nating tunay.
Sa pakikilaban, buhay ma’y pumanaw,
Ay ang kaharian , Ng Diyos na marangal
Magpasa walang hanggan, Amen.
Si Cristo ang panulok ng iglesia ng Dios
Si Cristo ang panulok ng iglesia ng Dios
Na Kaniyang inirog at kusang tinubos.
Katulad ay busilak ang anyo at dilag.
Sapagka’t dugong wagas ang ipinanghugas.
Sa lahat ay pinili at saan ma’y tangi,
Sa aral ay di mali, at siyang lalagi.
Iisa ang adhika sa paglalathala
Ng aral ni Bathala sa langit at lupa.
At sa kapighatian, O pakikilaban,
Sa mga kaaway, laging tumataan,
Hanggang sa magtagumpay Sa mga kasamaan
At makamtan na tunay Ang putong ng buhay.
Si Cristo ang sandigan ko
Ang aking pag-asa’y lubos
na nakasalig kay Jesus
At ang dugon Niyang dumanak
Sa aking sala’y pang-hugas
Ref
Si Cristo ang sandigan ko,
Siya ang matibay kong Bato,
At kanlungan pag may bagyo.
Kahit danasin ko’y hirap,
Biyaya Niya’ylaging sapat
Pag dumagsa ang pag-subok,
Ang tatawaga’y si Jesus
Ang tatawaga’y si Jesus
Kung puso ko’y nalulumbay,
Siya ang aking kaaliwan
At pag ako’y nanlulumopag-asa
Pag trumpeta’y hinipan na,
At pag-dating Niya ang badya
Tayo nawa’y masumpungang
Kabanalan Niya ang taglay