Samahan mo ako Hesus
Samahan Mo ako Jesus, sa paggawa’t paglilingkod;
Lihim mo ay ipatalos at lalakas yaring loob.
Ang pusong nanglulupaypay, sana’y aking matulungan;
Salita ng pagmamahal ang sa Kanya’y aalalalay.
Sana’y turuang magtiis, sa gawain ng pag-ibig;
Nananalig na magahis kasamaan sa paligid.
Sa pag-asang Ikaw lamang ang tanglaw sa aking daan;
Sa alay mong kapayapaan ako’y loobing mabuhay. Amen.
Samahan Mo
1. Samahan Mo sa pagtakipsilim;
Ang kadiliman ay lumalalim;
Panginoon, Tanging Kaaliwan,
O Aking Tulong ay ’Yong samahan.
2. Matuling lumilipas ang araw,
Ang kagalakan ay napaparam;
Laganap kasiraa’t, pagbabago;
DiNagmamaliw samhan Mo ako.
3.Kailangan ko ang ’Yong pagsama;
Sa biyaya’y ingatan sa sala;
Tanging Ikaw gabay ko’t Kanlungan,
Magulap, umaraw, ’Yong samahan.
4.Di natatakot sa ‘king kaaway;
Sa pighati ma’y di nalulumbay;
Nasa’n ang tibo ng kamatayan?
Magtatagumpay kung ’Yong samahan.
5.Sa kamatayan mamasdan ko’ng Krus;
Pawiin Mo ang takot at lungkot;
At pagsikat ng bagong umaga,
Walang hanggan Kang makakasama
Sasarilinin ba Niya
Sasarilinin ba Niya
Sa krus ay magdala?
Hindi, kundi bawa’t isa’y
Mapasan ng N’ya
Dadalhin kong pagtiisan
Krus kong pasan-pasan,
Hanggang Kaniyang ibisan
At maginhawaan
Sa Kanyang yapak na banal
Ako ay lalagay
At taglay ang kagalakang
S’ya’y papupurihan!