Filipino Hymn K-N


Aking D’yos maging tanging pananaw, Magi kong tampulan ng isipan;
Aking Pagnilay, gabi at araw, Matulog, bumangon, Aking tanglaw.


Maging Dunong ko’t Wikang Totoo. Sa paglakad laging akay Mo ‘ko;
Amang dakil’t supling Mo ako, Panahanan Mo’t ako’y sasa-’ Yo.


Maging Kampilan Ka’t Pananggalang, Akin kang Sanghaya’t Kagalakan;
Kanlungan, aking Toreng matibay; Dalhin palangit, O kalakasan.


Di nakatuon sa puri’t yaman; Ang tangi kong Mana’y Ikaw sa buhay;
Ika’y pangunahin sa ‘king isipan, Hari ng Langit O aking Yaman.


Haring Langit, aking Tagumpay, Nawa’y abutin ‘Yong Kagalakan!
Pusong puso, an’mang kaha’tnan, Manatili Kang aking pananaw


Magtaning ng oras sa pagbabanal


Magtaning ng oras sa pagbabanal
Manalangin sa Dios na palagian
Tumulong kang tunay sa kapatiran
Ang mundo’y talikdan pala’y kakamtan.


Magtaning ng oras sa pagbabanal
Kay Jesus ka laging makipag-ugnay
Kung siya’y titingnan mo at tutularan
Cristo’y makikita sa iyong buhay.


Magtaning ng oras sa pagbabanal
Huwag kang lumayo sa kanyang harapan
Sa galak o lungkot ay s’ya mong sundan
Si Jesus ay tingnan, sundin ang aral.


Magtaning ng oras sa pagbabanal
Ang buong buhay mo ay pahawakan
At ang diwa ng Dios ay papatnubay
Sa paglilingkod mo sa kalangitan.

 


Magtiwala at Sumunod


1. Kung tayo’y mamuhay Ayon sa patnubay
Ng Dios at ng Kanyang salita,
Siya ay sasaatin Kung ating susundin,
At kung tayo ay magtiwala


Koro
Magtiwala’t si Jesus ay sundin,
Ang Kanyang kagalakan Laging sasaatin.


2. Papawiin Niya Ang tanang pangamba
Kung tayo’y laging mananangan,
Ang Kanyang patnubay Lagi nating taglay;
Sa daan tayo’y iingatan.


3. Kung ang ating buhay Sa Kanya’y ialay
Ang pagibig Niya’y kakamtin;
Ang bawat biyaya At lahat ng tuwa
Ay palagiang sasaatin.


4. Kay tamis manalig Sa Kanyang pag-ibig
Kung Siya’y ating sinusunod;
At kahit na saan Tayo pag-utusan
Buong puso tayong maglingkod.