Patnubay Siya – biyaya nga
1.Patnubay Siya—biyaya nga!
Makalangit na k’aliwan!
Sa sarili’t mga gawa,
Ako’y pinapatnubayan.
Ref
Patnubay Siya, patnubay Siya,
Patnubay ang Kanyang kamay;
Tapat akong alagad Niya,
Patnubay ang Kanyang kamay.
2.Kung minsa’y walang ligaya,
Kung minsa’y tulad ng Eden,
Maalon ma’t mapayapa,
Kamay Niyang pumatnubay rin.
3.Panginoon, ako’y tangnan,
Tatanggapin Iyong ibigay,
Maging pala o hirap man,
Yamang Ikaw ang patnubay.
4.Sa pagtapos ng ’king gawa,
Nagwagi dahil sa b’yaya,
Mamatay ma’y di ma’ngamba,
Iyong kamay pa ring nagdala.
Pag kapayapaa’y ilog na kay tining;
O kung may sigwang dumating;
An’ mang kahat’nan, turo Mong tunay nga;
Payapa, kalul’wa’y payapa.
Koro:
kalul’wa’y(kalul’wa) payapa(payapa)
Payapa, kalul’wa’y payapa.
Kahit ang kaaway at dusa’y dumating;
May katiyakang tatangnan;
Si Kiristo’y lumingap sa kalagayan
Ang buhay sa aki’y ‘binigay
Lahat ng sala’y inako N’yang lubusan.
Kay dakilang kagalakan!
Sa krus natapos ang pasan nang laon;
Pulihin aking Panginoon
Sana’y dumating na ang ‘Yong pagbabalik;
Tup’din na ang aking pananalig,
Trumpeta’y hudyat ng lyong pagbaba;
Lalo nang kalul’wa’y payapa.
Poon, Huwag Akong Lampasan
1.Poon, huwag akong lampasan,
Samo’y pakinggan;
Nang iba’y Iyong tinatawag,
Ko’y huwag lampasan.
Ref
Manliligtas,
Samo’y pakinggan;
Nang iba’y Iyong tinatawag,
’Ko’y huwag lampasan.
2.Sa luklukan ng Iyong awa,
Kamtan ginhawa;
Nakaluhod, nagsisisi,
Sa aking sala.
3.Sa galing Mo’y nagtiwala,
Hahanapin Ka;
’Spiritung bagbag lunasan,
Ng Iyong biyaya.
4.Ika’y batis ng ginhawa,
Sa ’kin buhay ka;
Liban sa Iyo ay wala na,
Dito sa lupa.