Filipino Hymn K-N

Kay Hesus ay dapat kong sabihin


1.Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Di na makaya ang pasanin;
Sa pighati ko ako’y tulungan,
Luha ko’y Kanyang pinunasan.


Ref
Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Di na makaya ang pasanin;
Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Hesus matulungin sa akin.


2.Kay Hesus ay dapat kong sabihin.
Hirap di ko kayang harapin;
Lahat kong bagay Siya nang magpasan,
Upang ako’y may kaaliwan.


3.Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Kakulangan ko’y ’king aminin;
Siya ang tutustos sa ’king kailangan
Ng mayamang katamasahan.


4.Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Panglaw di ko kayang daigin;
Sa ’king gapos ako’y kalagan Niya,
Ako’y mapalaya sa sala.


5.Kay Hesus ay dapat kong sabihin,
Dyablo di ko kayang talunin;
Tukso ng mundo sa ’kin nang-akit,
Hesus ko sa sama daraig.

 


Kay Jesus agad umasa ka


Kay Jesus agad umasa ka
At nasa piling natin siya
Sa iyo ay nag-aanyaya,
Ng wikang lapit na


Koro
Anong laking kaligayahan,
Ang sa Iyo ay makipisan
Jesus kung kasama ay Ikaw,
Tuwa’y walang humpay.


Kung Siya’y isaalaala,
Lumbay mo’y magiging ligaya,
Sa iyo’y walang nasang iba,
Kundi gumaling ka.


Pagtawag Niya ay pakinggan,
At lubos nating sang-ayunan,
Marahil bukas ay masayang,
Lapit h‘wag lumiban.

 


Kay Jesus Iniaalay ko


Kay Jesus Iniaalay ko, sa Kaniya ang lahat:
Akin Siyang iibigin, magpahanggang sa wakas.


Koro:
Iniaalay ko, Iniaalay ko,
Sa ‘yo ang lahat Oh, Cristo Iniaalay ko


Kay Jesus iniaalay ko, paluhod sa paanan:
Kamunduha’y tatalikdan, kupkupin mo ngang tunay.


Kay Jesus iniaalay ko, gawin akong ‘yong Iyo;
Banal na diwa’y puspusin, ikaw ay suma akin.


Kay Jesus iniaalay ko, Ama buhay sa Iyo:
Pag-ibig mo ay ilapit, sa aki’y ipakamit.


Kay Jesus iniaalay ko, ang boong pagkatao;
Aleluya! Layang lubos, Gloria sa Manunubos!