Kamangha-manghang Biyaya
Kamangha-mangha ang biyaya
Na nagligtas sa akin
Ako’y nawawala ngunit natagpuan
Kinupkop ng lubusan
Biyayang nagturo sa akin
Na takot ay magmaliw
Anong laking tuwa ang aking nadama
Nang manalig sa Kanya
Kahit may panganib at hirap
Na minsa’y dinaranas
Biyaya niyang wagas ang siyang umaaliw
Upang ito’y makayanan
At kung tayo’y nasa piling Nya
At Siya ay sinasamba
Walang hanggang saya ating madarama
Sa pagpuri sa Kanya
Kamatayan Niya’y nabilang sa ’kin
1.Kamatayan Niya’y nabilang sa ’kin,
Dibinong buhay binigyan ako;
Luwalhati Niya ay hihintayin,
Bawa’t sandali, ako ay sa Iyo.
Ref
Laging iingatan ng pag-ibig,
Laging buhay ay aking matamo,
Laging kay Hesus ako’y tumitig,
Bawa’t sandali, ako ay sa Iyo.
2.Walang labanang di Siya’ng namuno,
Walang tagumpay di Siya’ng nagbigay;
Hanggang sa kamtin ang putong, trono,
Bawa’t sandali, Siya ang kaakbay.
3.Walang subok di Siya mag-alalay,
Walang pasan di Niya akong ibsan,
Walang lungkot di Siya nakiramay,
Bawa’t sandali, aalagaan.
4.Walang sakit at walang halinghing,
Walang luha at walang hinaing,
Walang panganib di Niya pansinin,
Bawa’t sandali, ako’y isipin.
5.Walang mahinang di Niya tulungan,
Walang sakit di Niya pagalingin,
Bawa’t sandali, lungkot, tuwa man,
Pangino’ng Hesus, kasama pa rin.
Kami ay pangunahan, Haring walang hanggan
Kami ay pangunahan, Haring walang hanggan,
Sa sasakuping bayan tolda Mo’y tahanan,
Sa paghanda Sa laban, ikaw ang kalasan,
At ang aming awita’y sa Iyo’y ilalaan.
Kami ay pangunahan, hanggang mawakasan,
Bangis ng kasalanan, na kinakalaban,
Ang gawang kabanalan, pagsinta’t kaawaan,
At Iyong kaharian sasa aming tunay.
Kami ay pangunahan, Haring walang hanggan,
Gawin ‘yong kalooban na may kagalakan,
Krus Mo’y nasa unahan siya naming tanglaw,
Hanggang putong ay kamtan , O Haring marangal.