Filipino Hymn K-N

Nais kong lalong matalos


1.Nais kong lalong matalos
Ang pagpapala ni Hesus;
Ang pagliligtas Niyang puspos
At ang kamatayan sa krus.


Ref
Kristo’y aking nasa,
Lalong makilala
Pagtubos Niyang kay dakila,
Yaman Niyang aking tamasa.


2.Nais ko ring matutunan
Ang banal Niyang kalooban;
Turuan ng Espiritu,
Nang malaman ko si Kristo.


3.Higit pang Kristo’y matamo
Sa Salitang punung-puno;
Ng pag-ibig, katapatan
Ng buhay at kasiyahan.


4.Si Hesus nasa luklukan,
Taglay Niyang kal’walhatian,
Makita ko’ng kaharian,
Hari ng kapayapaan

 


Nais mo bang Maibsan ng Pasan


1. Nais mo bang maibsan ng pasan?
Makapangyarihan ang dugo.
Nais mong sa sala’y magtagumpay?
Dugo’y may kapangyarihan.


Koro:
Ang dugo’y may kapangyarihan
Ang dugo N’yang mahal
Ang dugo’y may kapangyarihan
Ang dugo ni Cristong banal.


2. Nais mo bang puso’y dumalisay?
Makapangyarihan ang dugo.
Ang batik ng sala’y mahugasan?
Dugo’y may kapangyarihan.


3. Nais mo bang maglingkod sa Hari?
Makapangyarihan ang dugo
Mabuhay kang nagpupuring lagi,
Dugo’y may lakas na tangi.

 


Ng libong wika’y a’witin


1.Ng libong wika’y a’witin, Kayang kapurihan;
L’walhati ng D’yos at Haring Biyaya’y nagtagumpay.


2. Ngalang Jesus nag-aalis, Pangamba’t dalita;
Musika sa ‘ting pandinig Sa puso ay payapa.


3.Lunas sa salang bumihag S’ya’y nagpapalaya,
Kanyang dugong naghuhugas Naging aking tunay Nga.


4.Ang Wika N’ya pag nahayag Nagpapanumbalik;
Pusong hapis nagagalak; Ang aba’y nananalig.


5.Ng pipi S’ya ay purihin, Ng bulag S’ya ay masdan;
O ng bingi S’ya ay dingin; Ang pilay maglundagan.


6.Panginoon at aking D’yos Dalangi’y tulungan;
Sa buong mundo’y ipatalos L’walhati ng ‘Yong Ngalan.