Filipino Hymn K-N

May Manliligtas sa glorya’y nagdasal


1.May Manliligtas sa glorya’y nagdasal
Siya’y kaibig-ibig ’king minamahal;
Magiliw ngang akong binabantayan Niya,
Maging Manliligtas mo rin nawa Siya.


Ref
Ako’y nagdarasal,
Ako’y nagdarasal,
Ako’y nagdarasal,
Para nga sa Iyo.


2.May Ama ako sa aki’y nagbigay
Pag-asang walang hanggan na siyang tunay;
Sa kaharian ng langit, tatawagin,
Nawa’y payag Siyang ika’y aking dalhin.


3.May payapang ’sing tahimik ng ilog,
Payapang tagamundo’y di maarok;
Manliligtas ko lamang ang nagkaloob,
Nawa sa Iyo rin ay ipagkaloob.

 


Mayro’ng Bukal Ng Dugo


Mayro’ng bukal nga ng dugo,
Galing sa Emmanuel;
Makasalanang lumusong,
Karum’ha’y nalinis;
Karum’ha’y nalinis;
Karum’ha’y nalinis;
Makasalanang lumusong,
Karum’ha’y nalinis.


Ang magnannakaw nun sa krus
Ay nakita ang bukal.
Maging akong tulad Niya rin
Ay dun dinalisay;
Ay dun dinalisay;
Ay dun dinalisay.
Maging akong tulad Niya rin
Ay dun dinalisay.


Aking Kordero! Ang dugo
Mo’y laging mabisa;
Hanggang Iglesya ng Diyos ay
Dina magkasala;
Dina magkasala;
Dina magkasala.
Hanggang Iglesya ng Diyos ay
Dina magkasala.


Magbuhat nang matagpuan
Batis ng ‘Yongsugat
Pagibig Mo’y awitin ko
Hanggang sa pagpanaw;
Hanggang sa pagpanaw;
Hanggang sa pagpanaw.
Pagibig Mo’y awitin ko
Hanggang sa pagpanaw.


Mayroong awitan, tala ay sumilang


Mayroong awitan, tala ay sumilang;
May inang tiwasay batang nahihimlay,
At patuloy ang ningning at ang awitan
Pagkat sa sabsaban Hari’y nakahimlay.


Malaki ang galak nang Siya’y dumatal,
Ang batang marangal na guro ng tanan;
At patuloy ang ningning at ang awitan,
Pagkat sa sabsaban hari’y nakahimlay.


Sa ningning ng tala panaho’y naghintay
At yaong awitan sa mundo’y umapaw;
Sa kala’y may ningas tana’y may awitan
Sa mga tahanang pinaghaharian.


Tayo’y nagagalak dahil sa liwanag
Awit sa itaas ating ibulalas
Atinngang isigaw ang balitang taglay,
Sambahin si Cristo doon sa sabsaban. AMEN.