Filipino Hymn K-N

Marilag Na Jesus


1. Marilag na Jesus, Hari ng Sinukob, Naganyong taong Anak ng Dios;
Pinupuri Kita ngayo’t sinasamba, O tuwa ng kaluluwa.


2. Mariya ang libis, at lalo ang bukid, Sa sinagaraw nilang damit;
Ngunit Ikaw Jesus, ay lalong mairog, Kaysa alinmang alindog!


3. Marilag ang araw, ang sinag ng buwan, At bituin sa kalangitan;
Ngunit ang handa Mo, Mahal na Jesus ko, Higit sa lahat ng ito!
Amen.

 


Matamis ang magtiwala


Matamis ang magtiwala
Kay Jesus na dakila
Lalasapin ko’y biyaya
At walang hanggang pala


Chorus
Jesus, Jesus, anong tamis
Ang sa Iyo’y umiibig Jesus,
Jesus, aking nais,
Ang sa Iyo’y manalig


Kay sarap ang magtiwala
Sa dugong mapagpala
Sala ko’y nahugasan nga,
At kanyang pinalaya


Oo, kay tamis ni Jesus
Na sa aki’y tumubos
Siyang kaaliwang lubos,
At kabuhayang puspos.


Matamis na awita’y sambitlain


Matamis na awit ay sambitlain,
Sa Panginoon ay ihain,
Tulad ng inawit ng mga
Anghel may kagalakang walang maliw.


Koro
L’walhati sa Dios sa Kaita’san!
Magpuri na may kagalakan
Awit sa Belen noo’y napakinggan
Magalak na ipag-awitan.


Humayo sa parang at mga bundok
Pagsinta’y ikalat, isabog;
Israel magdiwang, mundo’y malugod
at Mapapawi na ang lungkot.


Ang sangkatauhan na may siphayo
Magalak ngayon, yamang tanto;
Pag-ibig ng Dios, sa ati’y sinugo
Ang Anak N’yang ating pintuho.