Patnubayan Mo kami
Panginoon ako’y Iyong alipin
Ikaw lamang ang siyang sasambahin
Ang buhay ko’y walang Patutunguhan
Kung ako’y hindi mo na pakikinggan.
Ref
Panginoon Ikaw ang siyang sandigan
Panginoon hari ng sanlibutan
Pinupuri ang Iyong banal na Pangalan
Ama naming Diyos sa kaitaasan.
Pinasyahan kong sumunod
1. Pagpasya ako sa aking loob
Na ang susundi’y tanging si Jesus;
Taos sa puso’t di makikilos,
Walang urong sa pagsunod!
2.Hindi uurong kahit laitin,
Kahit tawanan ay susunod rin;
Si Jesus lamang ang kilalaning
Mananakop ng salarin!
3.Makikibaka’t titiisin ko,
Ang pag-uusig ng mga tao;
Lakas ko’t buhay, sampung talino,
Iaalay ko kay Kristo!
4.Magbuhat ngayon si Jesus lamang,
Ang susundin ko sa aking buhay;
Dating pamumuhay ko’y iiwan,
At di ko na babalikan!
5.Panginoon ko, ang Iyong tulong,
Huwag iwalay, samo ko’t hiling;
Habang lakas Mo ang aking baon,
Sa labana’y di uurong!
Purihin ka aking Diyos
Koro:
Purihin ka aking Diyos Aking Panginoon
Purihin ang ngalan mo Ako ay aawit sayo buong puso
Purihin ang ngalan mo
Verse1
Sa Pagsapit ng bagong umaga Ang awit ko ay pagsamba
At kahit na ano man ang pangamba Pagsapit ng gabi’y aawitan ka
Verse2
Ikay Mayaman sa pagmamahal Biyaya mo ay sukdulan
Dakila ka O Diyos ng kabutihan Purihin Ka magpakaylanpaman
Verse3
Sa araw na ang lakas koy wala na Ang ang araw ko ay sasapit na
Sayo parin ang awit ng pagsamba Kaylanpaman ay aawitan ka