Kay Kristo lang
Kay Kristo lang, pag-asa ko; Liwanag ,tibay sa mundo;
Batong Panulok narito, Di matitinag ng bagyo.
pag-ibig na Kay dakila , Sa takot pumapayapa;
Kaaliwan ko sa lupa: Kristong biyayang sagana
Kay Kristo na Naging tao; Diyos na lubos pumarito!
Katwirang lingap sa mundo Hinamak nating totoo
At dun sa Krus S’ya’y namatay; Poot ning Diyos sa ‘king sala’y Pinaglubag N’yang mahusay ; Dahil kay Kristo ’y nabuhay
Sa kweba ay Inilibing; Ilaw nilagom ng dilim;
Ngunit araw nga’y dumating Na S’ya’y muling nabuhay din!
At pagbango’y nagtagumpay Sa kamatayang kaaway
Ako’y kanya, aking tunay Kanyang dugo, aking buhay
Walang sala o takot man Dahil Kristo’ng tanggulan
Sa simula’t katapusan Buhay tanging kay Kristo lang.
Sa Kanya’y di mawawaglit Hanggang Kanyang pagbabalik;
Habang dito sa daigdig Kay Kristo lang tumitindig.
Kaylangan Nila Ang Panginoon
Bawat araw sa daan Tao’y nakikita ko
Buhay ay walang saysay Sa’n patutungo
Pagdurusa at takot ay tinatago
Sa ngiti’y nagkukubli Daing ng puso
Koro:
Kaylangan nila ang Panginoon
Buhay na bigo’t wasak S’yang pintong bukas
Kailangan nila ang Panginoon
Kailan natin sila dadalhin sa Diyos
Tayo ay tinawag Niya Sa mundong mali’y tama
Anu pang higit kaya Sa buhay kung kamtan nila.
Ang hirap nila’y dama Dahil kay Jesus
Atin nang ipahayag Salita ng Diyos
Kaylangan nila ang Panginoon
Buhay na bigo’t wasak S’yang pintong bukas
Kailangan nila ang Panginoon
Kailan natin sila Dadalhin sa Diyos
Kaylangan nila ang Panginoon
Buhay na bigo’t wasak S’yang pintong bukas
Kailangan nila ang Panginoon
Kailan iaalay Ang ating buong buong buhay
Nang maakay sila Sa Panginoon
Kristo, Aming Kaligtasan
Kristo, Aming Kaligtasan
Kapanggarihan mo ay walang katulad
Hari ka Banal na Kordero
Kaluwalhatian Mo ay ikaw ng mundo
Pre-Koro
Kalangitan ay nagpupuri
Mga nilikha ay umaawit
Koro
O kay ganda at dakila
Kristo ang Ngalan Mo ay Itatanghal
O kay ganda at dakila
Walang papantay Ikaw ay nagiisa O Kristo
Bridge
Habangbuhay aawit Tanging si Kristo Ang aking pagibig
Magningning Ka, Panginoon
Dios, liwanag ng ‘Yong pag-ibig
Sa gitna ng dilim nagniningning
Ilaw ng mundo’y si Hesu-kristo
Sa kasalanan ay palayain Mo
Sa‘kin, O Diyos, magningning Ka,
KORO:
Magningning Ka, sa‘ming bayan, O Panginoon
Aming puso, pagningasin Mo
Ipadama Mo sa amin, biyaya’t awa
‘Yong Salita, Diyos, ang aming tanglaw.
Diyos, ako sa’Yo’y lumalapit
Ang kaningningan Mo’y anong rikit
Dahil sa dugo’y makalalapit na
Siyasatin Mo ang aking sala
Sa‘kin, O Diyos, Magningning Ka.
Ang taglay Mong ningning kung pagmasdan
Nakikita sa‘min ‘Yong kawangisan
Buhay namin ay ‘Yong binabago
Ihayag sa mundo ang Ebanghelyo
Sa’kin, O Diyos, magningning Ka.
Mahal ka ngang tunay
1.Mahal ka ngang tunay
Pagibig ng aking buhay,
Ang kilalanin Ka
Higit sa kanino pa man.
2.Umaawit ang aking puso
Ng kagalakan, kaligayahan,
Ang buhay kong ito
Laan lamang para sa’Yo.
Koro:
Kabanalbanalang Diyos
Nais kong mahagkan Ka,
At makapiling Ka
Ang makapiling Ka.
Tulay:
Jesus Ikaw ang manunubos ko!
Ang pagpupuri‘t pagsamba‘y laan
At tanging sa’Yo!