Filipino Gospel Song

Dakila ang Iyong katapatan


Dakila ang Iyong katapatan
Walang hanggang kapatawaran
Biyaya Mo’y gabay sa katuwiran
at walang sino mang makahahadlang.


Pre Koro
Ang ‘Yong baya’y isipin
Ang Iyong mga anak O Diyos dinggin
Pangako’y alalahanin.


Koro
Ikaw ay sapat
Ikaw ay sapat
Ikaw ay sapat sa akin.


Dakila ang Iyong pagmamahal
Kahinaan ko’y tinumbasan
Ginuhit Mo’y awit ng kaligtasan
Magpupuri kailanpaman.

 


Dakila ka, Panginoon


Verse
Ikaw ang pag-ibig
Liwanag sa dilim
Ikaw ang lunas ng
Pusong nasugatan
Dakila Ka Diyos


Chorus
Ang bawat paghinga
Ay alay kong papuri sa’Yo
Ang bawat paghinga
Ay ang alay kong papuri


Bridge
Ang lahat ay sasamba
Ang nais ko’y purihin Ka
Dakila Ka Diyos.

 


Dios at Dios Lamang


Dios at Dios lamang
Ang may likha nitong buong mundo
Karangyaan man ay hindi
Dapat maluwalhati
Ang Dios at Dios lamang


Dios at Dios lamang
Naghahayag ng katotohanan
Gawain ng mga tao
‘Di magpapabago
Sa Dios, sa nais Niya


Chorus:
Dios at Dios lamang
Ang hari ng buong kalawakan
Lahat ng may buhay
Papuri’y ialay
Sa Dios at Dios lamang


Dios at Dios lamang
Ligaya sa walang hanggang buhay
Siyang pinakamimithi
Magsasawa’y hindi
Sa Dios at Dios lamang