Filipino Gospel Song

Kaylangan Nila Ang Panginoon


Bawat araw sa daan Tao’y nakikita ko
Buhay ay walang saysay Sa’n patutungo
Pagdurusa at takot ay tinatago
Sa ngiti’y nagkukubli Daing ng puso


Koro:
Kaylangan nila ang Panginoon
Buhay na bigo’t wasak S’yang pintong bukas
Kailangan nila ang Panginoon
Kailan natin sila dadalhin sa Diyos


Tayo ay tinawag Niya Sa mundong mali’y tama
Anu pang higit kaya Sa buhay kung kamtan nila.
Ang hirap nila’y dama Dahil kay Jesus
Atin nang ipahayag Salita ng Diyos


Kaylangan nila ang Panginoon
Buhay na bigo’t wasak S’yang pintong bukas
Kailangan nila ang Panginoon
Kailan natin sila Dadalhin sa Diyos
Kaylangan nila ang Panginoon
Buhay na bigo’t wasak S’yang pintong bukas
Kailangan nila ang Panginoon
Kailan iaalay Ang ating buong buong buhay
Nang maakay sila Sa Panginoon

 


Mahal ka ngang tunay


1.Mahal ka ngang tunay
Pagibig ng aking buhay,
Ang kilalanin Ka
Higit sa kanino pa man.


2.Umaawit ang aking puso
Ng kagalakan, kaligayahan,
Ang buhay kong ito
Laan lamang para sa’Yo.


Koro:
Kabanalbanalang Diyos
Nais kong mahagkan Ka,
At makapiling Ka
Ang makapiling Ka.


Tulay:
Jesus Ikaw ang manunubos ko!
Ang pagpupuri‘t pagsamba‘y laan
At tanging sa’Yo!

 


Mahal kita, O panginoon


Mahal Kita, oh Panginoon
Buong buhay, sa Iyo’y alay
Nawa oh Diyos, Iyong tanggapin
Ang aking pagpupuri at pag-ibig