Filipino Gospel Song

Hilumin Mo, Bayan Ko


Kung ang bayan ko ay mininikluhod
Sabay sabay sa pagsamo
Sa pangalan ko maninikluhod
At tatalikdan ang di wasto
Sa langit diringgin ko
Patawarin ang sala niyo
Sa tuwina’y diringgin ko
Hihilumin ang bayan niyo


Ref
Panginoon, hilumin mong bayan ko
Aming samo magbalik ang bayang ito sa iyo
Panginoon, dinggin at hulumin mong bayan ko
Patawarin mo’t hilumin ang bayan ko


Kami po ngayon ay sumasamo
Dalangin ng aming puso
Sa pangalan mo maninikluhod
At tatalikdan ang di wasto
Aming diyos sa iyong awa
Patawarin sa’ming sala
At nawa’y kami’y dinggin
Bayan namin ay hilumin

 


Ilapit mo sa ‘yo


Ilapit mo sa’yo
Nang di na malayo
Muling handog ang buhay ko
Pagtanggap mo’y dalangin ko.


Ikaw ang nais ko
Hangad ng puso ko
Ang yakap ng pag-ibig mo
Yamang higit pa sa mundo
Kahit pa nalayo ako’y lingapin mo.


Koro:
Ikaw lamang, Hesus ang kailangan
Ikaw lamang sa’yo’y mananahan.

 


Kapangyarihan ng Pag-ibig Mo!


Sayo’y lumalapit
Baguhin ang puso ko’t isip
Mula sa biyaya Mo,
S’yang aking nais
Aking nalalaman
Ang lahat ng aking kahinaan
Ito’y papawiin
Ng pag-ibig Mo


Chorus
Yakapin Mo’t hagkan
Ng Iyong pag-ibig
Ilapit Mo, ako sa Iyong tabi
Ang nais ko Ika’y laging kapiling
Laging kasama Ka
Sa Iyong pangunguna
Ng pag-ibig MO.


Diyos, ang nais ko
Hanggang sa pagharap sa Iyo
Mamumuhay ako
Sa pag-ibig Mo
Sayo’y sumasamo
Laging dalangin ng puso ko
Ay kalooban Mo
Sa buhay ko.