Buhay kay Hesus payapa
Buhay kay Hesus payapa!
Ilog ng aliw, anong siya!
Pagsubok man ’di mangamba
Buh áy kay Hesus, ’lapit Siya.
Ref
Paglingkuran Ka nang higit,
Papurihan Ka pa ulit;
Mamuhay sa presensiya Mo
Hindi sa Iyo lalayo.
2.Buhay kay Hesus, pahinga!
Bigyan Siyang lugod, pagpala!
Siya lamang ang ipamuhay,
Siya na, hanggang katapusan.
3.Buhay kay Hesus kahit sa’n!
Lahat kong bigat Siyang pasan;
Iba’y lumisan Siya’y tunay
Tiwala sa Kanyang gabay.
4.Buhay kay Hesus, ’gang wakas!
Tungo glorya Niya lalagpas;
Do’n titingin sa trono Niya,
Mapakinggan: “Maayos na!”
Buong Sigla’t May Pag ibig
Buong Sigla’t May Pag ibig, ang lahat umaawit,
Puso nami’y nawawangis sa liryong sakdal dikit
Ang bahid ng kasamaan naparam sa pag-ibig.
Batis ng tubig ng buhay ang tanging lumilinis
Ang likha Mong bagaybagay sa buong sanlibutan
At sampung lupa’t langit pawang magaawitan
Ang mga tala at anghel nagpuring di naliban.
Kahit ibo’y umaawit, tanda ng kagalakan.
Bawat taong nagkasala ay Iyong nililinis
Kung tunay na nagsisi at sa ‘Yo’y magbabalik
Buong puso na lalapit sa utos di lilihis.
Buhay nami’y bigyang tanglaw at turuang magtiis.
Magsasamang may awitan ang ligtas nanilalang
Ang Hari ng mga hari pagukulan ng dangal.
Magawitan walang humpay at ating makatamtan.
Ang layuning ating nais buhay na walang hangan.Amen.
Dadagsa ng pagpapala
Dadagsa ang pagpapala; pangako ng pag-ibig;
panahon ng pagsariwa, galing sa Diyos sa langit.
Refrain
Dagsang biyaya; O Diyos kailangan namin;
Ang patak ng pagpapala, Dumagsa nawa sa ‘min.
Dadagsa ang pagpapala; Sigla’y manunumbalik;
At sa pinagpalang lupa Buhos ay maririnig.
Dadagsa ang pagpapala; Sana nga panginoon!
Bigyan ng pananariwa kalul’wa namin ngayon.
Dadagsa ang pagpapala; samo nawa’y dumating,
O Diyos saganang biyaya Kay Jesus sumaamin.
Dadagsa ang pagpapala; Kung kami’y masunurin;
Panahong pananariwa, Ipagpala sa amin.