Apo kukuanak timekmot’ denggek, Ayatmo ti surotek,
Ngem umad-adda komat’ pammatik, A kenka maiyasideg
Refrain
Yasidegnak kabi O apo, iti denna ti krusmo;
Yasidegnak, Yasidegnak kad’ Apo, Arpad dayta bakrangmo.
Alaennak nga agserbi Kenka, O Apo a namarsua;
Toy karauak koma mangnamnama, Kayatmo matungpaida.
Naragsakak ti inuran oras, No ti sangom addaak;
Agparintumengak nga agdawat, Kenka makikaysaak.
Adda ayat a diak pay naammuan, No diak Kenka kumamang;
Adda ragsak a diak maragpatan, Inggat’ Sikat’ pagtalkan.
Awitin ang pagmamahal
Awitin ang pagmamahal, ni Hesus na marangal;
Do’n sa Kanyang kaharian, May nahandang tahanan.
Coro:
Kung tayo ay sumapit, Na may kaligayahan sa langit;
Si Jesus mamasdan, Awitin ang tagumpay.
Samantalang naglalakbay, Tayo’y papatnubayan,
Kung matapos na ang araw, Mayro’ng kapahingahan.
Maglingkod na may tiwala, Sa pagsunod sa kanya
Sa saglit mo S’yang nakita, Buhay mo’y liligaya
Bago magbukang liwayway
Bago magbukang liwayway
Sa hardin ako tumutungo
Upang manalangin at marinig
Ang tinig ni Jesu-Cristo
Koro:
Sa aking puso’y
Nangungusap Sya
Aniya, “Ikaw ay akin”;
Ang galak na aking nadarama,
Tunay at walang maliw.
Sa tinig Niyang kay tamis,
Kalikasa’y pumapayapa;
Pangungusap Niya ay kaaliwan
Sa aking puso at diwa.
Tunay na nasisiyahan,
Puso ko sa pananalangin;
Subalit Kanyang pinahahayo
Ako na nasa sa dilim.
Buhat sa Langit
Verse 1
Buhat sa langit, dula ng pagibig: Ang Dios ay nanaog, pangalan ay Jesus;
Abang sumilang sa isang sabsaban
lalaking sanay sa pagtitiis.
Chorus:
Siya ay mahal ko’t pinipintuho,
Buhay at ilaw niring puso;
Ang Manlilikha, nagpakababa,
Kapuspusan ng Dios na badha
Verse 2
Anong dakilang pagpapakababa
Na sa hating gabi’y
Walang kumandili;
Dios ng pagibig nilisan ang langit
Upang hanapin akong nawala
Verse 3
Mahal na Verbong nagkatawang tao
Upang ipahayag and sa Dios na dilag
Laking hiwaga ni Cristong dakila
Tunay na Dios at tanging Cordero
https://youtu.be/30_orcVfxDw
Buhay ang Panginoon
Buhay ang Panginoon, at Siya ay narito,
Kasama ko sa buhay sa alin mang dako;
Ako’y magpapatunay na Siya ay buhay,
Siya’y aking kapiling, sa ‘king buhay.
Koro:
Buhay! Buhay! Si Jesus ay buhay!
Kapiling ko’t kasama ko, sa ‘king paglalakbay.
Buhay! Buhay! Si Jesus ay buhay!
Siya ay nasa puso ko. Alam kong Siya’y buhay!
Nadarama kong tunay ang kanyang pag-ibig,
At maging sa panganib, tulong Niya’y ‘di lingid;
Siya ang nangunguna, at pumapatnubay,
Buhay ay kay ligaya sa piling Niya!
Tayong mga Kristiano ay magpuri twina,
Sama-samang umawit sa Diyos, Halleluyah!
Naghahari si Jesus sa langit at lupa,
Siya ay ating sambahin, purihin Siya!