Filipino Hymn A-J

Anong Bata Ito


1. Anong bata ‘tong nahihimbing
Sa kandungan ni Mariang birhen?
Mga angel bating kay lambing
Pastol abang kanyang pagdating.


Ref
Ito, ito ang Kristong hari
Pastol, angel syang bumabati
Dali, dali na’t Siya’y handugan
Ang sanggol na anak ni Maria.


2. Bakit sa hamak na sabsaban
Baka, asno ang syang hantungan
Walang takot ang makikinig
Dinggin mo Salitang tahimik.


3. Handog mo insenso, ginto’t mira
Mahalin ating hari, halina
Hari ng hari kaligtasan Siya
Pusong umiibig dakilain Siya.

 


Anong Ligaya ang Makakamit


Anong ligaya ang makakamit kung banal na dugo ang maglilinis!
Kasalanan ba’y lilinis? Ang karumihan ba’y maalis?
Dakilang pag-ibig ni Jesus! Ang a-king Diyos ay- nabayubay sa krus!
Dakilang pag-ibig ng Diyos! Nabayubay ang Manunubos.


Diyos na banal, ay nakipamuhay sa taong nalugmok sa kasalanan,
Ang buhay ay ini-alay, sa kanyang nilikhang namamanglaw;
Kaawaan ng Diyos na marangal, ang nag-ligtas- sa nanlu-paypay,
Dakilang biyaya ng Diyos! Sa kasalanan ay tinubos.


Kusang iniwan ang kalangitan, at kusang hinubad kanyang kadiosan,
Doon sa krus ay namatay, ang dugo at buhay ini-alay;
Dakilang biyaya ang kaloob! Ang buhay at dugo kusang inihandog!
Dakilang biyaya ng Diyos! Iniligtas ako ni Jesus!


Ako’y wala na sa parusa, inalis ni Jesus lahat ng sala,
Ako ngayon ay sa kanya, sakop ng pag-ibig n’ya’t pagsinta,
Buhay ko ay aking ihahandog. Sa namatay at nabuhay na Manunubos!
Dakila ka aking Jesus! Panginoon ko at Diyos!

https://youtu.be/LOD-hKQk5w8

 


Awit Ko’y Ang Manunubos


1. Awit ko’y ang Manunubos,
At ang Kanyang pagibig;
Nagbatang lubha S’ya sa krus,
Nang hatol ko’y maalis.


Refrain
Awit ko’y ang Manunubos
Ang dugo N’yang nabuhos.
Kapatawaran ko’y sa Krus,
Binayaran N’yang lubos.


2. Pinagdaanan kong buhay,
Sa Dios lubhang hiwalay.
Sa pagibig inalayan,
Saganang katubusan.


3. Kaniyang kapangyarihan,
Iba’y pagsasabihan,
Bigay N’ya’y pagtagumpayan
Sala’t kaparusahan.


4. Awit ko’y ang Manunubos,
At pagibig N’yang tunay;
Dinala ako sa buhay,
Mula sa kamatayan.