Anghel nag-aawitan
Anghel nag-aawitan
“L’walhati sa isinilang”
Sa lupa’y kapayapaan
Tao ay kinalugdan.”
Sama sa pagdiriwang
Ng bu’ng sangkalangitan;
Ihayag ang balitang
Si Kristo’y isinilang
Ref
Anghel nag-aawitan:
“L’walhati sa isinilang”
Dios ng bu’ng karingalan
Lwalhati ay iniwan;
Inako’ng kalikasan
Natin; At isinilang;
Hari ng kapayapaan
Araw ng katwiran
Ilaw at kagalingan;
Buhay na walang-hannggan
Luwalhating tinakpan
Ang Sanggol sa sabsaban;
Upang tao’y mabuhay
Ay Kanyang hinalinhan;
Wangis ng sala’y pinaram
Ng anyo ng katwiran;
Buhay Mo’y ibinigay
Sa siya’y inialay;
Angheles, Lupa’y Dalawin
1. Angheles, lupa’y dalawin, At balita ay dalhin
Na ang Mesyas ay sumilang, Ang dulot ay kaligtasan.
Ref
O purihin, L’walhatiin Si Kristong Hari natin!(Amen)
2. Nasa parang na pastores, Ulinigin ang awit;
Dios sa tao ay dumalaw, Upang tayo’y bigyang Ilaw.
3. O mga _ pantas na tao, Atas ay dinggin ninyo;
Hayo at inyong dalawin, Ang Haring nasa Betlehem.
4. O lingkod ng Dios, magdiwang, Dulot Niya’y kasiyahan;
Sa pangako Niya’y umasa, Ang Hari ay sumilang na!
Anong Bata Ito
1. Anong bata ‘tong nahihimbing
Sa kandungan ni Mariang birhen?
Mga angel bating kay lambing
Pastol abang kanyang pagdating.
Ref
Ito, ito ang Kristong hari
Pastol, angel syang bumabati
Dali, dali na’t Siya’y handugan
Ang sanggol na anak ni Maria.
2. Bakit sa hamak na sabsaban
Baka, asno ang syang hantungan
Walang takot ang makikinig
Dinggin mo Salitang tahimik.
3. Handog mo insenso, ginto’t mira
Mahalin ating hari, halina
Hari ng hari kaligtasan Siya
Pusong umiibig dakilain Siya.