Filipino Hymn A-J



Ang Pangalan Pag Tinawag


Pag trompeta ay hinipan at sumapit ang wakas,
Tayo’y dadalhin sa dakong marilag;
Pag tinawag na ang ngalan ng lahat ng naligtas,
Naroon ako at tutugon agad!


Koro
Ang pangalan pag tinawag,
Ang pangalan pag tinawag,
Ang pangalan pag tinawag,
Naroon ako at tutugon agad.


Ang mga nakay Jesus na naunang nangamatay
Bubuhayin ng Panginoong banal;
At kapag nagkatipon na tayo sa kalangitan
Kay saya at di na magkakawalay.


Tayo’y laging maglingkod sa Dios magpahanggang wakas
Ipahayag ang pag-ibig Niyang wagas
Ang ating paglilingkod kapag natapos nang lahat
Gantimpala ay Kanyang igagawad.

 


Ang Salita Ng Buhay


1. Nais kong laging marinig ang Salitang Buhay,
At ang Dios ay makaniig sa Salitang buhay;
Buhay at kaligtasan ay aking natutuhan.


Refrain
O kay ganda, O kay inam ng Salitang mula sa Dios!
O kay ganda, O kay inam ng Salita ng Dios!


2. Si Jesus ang nagbibigay ng Salitang Buhay;
O may sala, dingging tunay ang Salitang buhay;
At ikaw ay sasapit sa tahanan sa langit.


3. Ang Ebanghelyo ay dinggin, ang Salita ng Buhay;
Ang patawad ay kakamtin, sasaiyong tunay;
At ikaw’y magpasakop kay Cristong Manunubos.

 


Ang Taos-Pusong Dalangin


Ang matamis na dalangin, yaon ang iyong gagawin
Nang upang ikaw ay dinggin ng Ama na maawain
H’wag ka na ngang patutukso, sa mga daya ng lilo
Kaluluwa’y iyalay mo, sa kamay ni JesuCristo.


Ang panalanging dalisay, sa langit pinakikinggan;
Ng Dios sa katotohanan, biyaya’y ibinibigay
Katiwasayang tahimik, kay Jesus na ipinalit
Dahil sa laking pag-ibig, naligtas ako sa sakit.


Oh! Ama ko at pag-irog, dinggin yaring lumuluhog
Oh Cristo kong mananakop! Sagipin ang nalulunod
Espiritung mapang-aliw, pagmamakaaway’y dinggin
Nitong dukha Mong alipin, sa bayang banal mo’y dalhin. Amen