Ang krus ba’y papasanin ko
1.Ang krus ba’y papasanin ko –
Ang Kordero’y sundan?
Takot bang magpatotoo,
Itakwil ang ngalan?
Ref
Ang ngalang mahalaga,
Buhay Mo’y naibigay,
Mahirap man, may biyaya,
Ako’y magtagumpay.
2.Palankin ba ’king sasakyan
Patungo sa langit?
Habang iba’y naglalaban
L’walhati’y makamit.
3.Wala bang dapat labanan?
Tagas ay pasakan?
Mundo ba’y pakisamahan?
Nang ako’y tulungan?
4.Maghahari kung naglaban,
Di-takot mangahas;
Mapahiya, magdusa man,
Salita Mo’y lakas.
Ang Krus na Luma
Sa burol no’ng dati, ay may krus na luma,
Sagisag ng dusa’t pagkutya;
krus ay ‘tinatangi pagkat ang Dakila,
Ay du’n nagpamalas ng awa.
Refrain
Ang pag-asa ko’y ang lumang krus,
Pagka’t dun sala ko’y natapos;
At sa langit, pansamo ko’y krus,
Ni Jesus; ang Katwiran ng D’yos.
O ang krus na luma, hamak man sa mundo’y,
Kayamanang ‘tinuturing ko,
Pagkat ang Kordero ng Diyos, sa ‘ki’y dito,
Pinako noon sa Kalbaryo.
Sa dugong bumahid, dun sa krus na luma,
May bighaning nakamamangha;
Dun noon umagos ang dugo ng awa,
Na sa ‘ki’y nagpawalang-sala.
Sa ‘king krus na luma, sasampalataya;
Babatahin ang pangungutya;
Darating ang araw, ako ay kukunin;
Ni Jesus at lul’walahatiin!
Ang Pananalig Ay Siyang Ating Tagumpay
Bumangon christianong kawal, tungo sa labanan,
Magpatuloy sa pagdigma, hanggang gabi ’t tuwina;
Ibuhos ang buong lakas, sa Diablong kaaway,
Pananalig ay tagumpay, sa sangkalibutan.
Refrain
Ang Pananalig ay! S’yang ating tagumpay!
Na t’yak na mananaig, sa sangkalibutan.
Watawat ko’y pag-ibig Niya , ang Salita ng Dios;
Mga banal ati’y sundan, sa pagpuri Sa Dios
Pananalig ay s’yang bugso, sa sangkalupaan
Nanaig sa kamatayan , at ating kalasag.
Kaaway na kay rami man, sa bawat sulok man,
Sumulong sa labang banal, pagtapos ay saya.
Kaligtasa’y salakot mo’t, ibigkis sa iyo;
Daigdig ay mayayanig, sa ating pagsigaw.
Siyang nanaig sa kalaban, kasuuta’y puti,
Sa angheles ay haharap, at ipahayag Siya;
Mula sa burol ng ilaw, pag-ibig mag-alab,
Wawasakin ang kalaban, sa ngalan ni Jesus.