Aleluya! Nabuhay na
1.Aleluya! Nabuhay na!
Si Kristo’y umakyat na!
Tao’t anghel nagsigawan
Daig na’ng kamatayan.
Nabuhay Siya! Nabuhay Siya!
’Di na mamamatay pa!
2.Aleluya! Nabuhay na!
Ulong itinaas Siya!
Ibinigay Espiritu.
Siya ay pinatotoo
Nabuhay na! Nabuhay na!
’Ko’y inaring-mat’wid Niya.
3.Aleluya! Nabuhay na!
Kamatayan talo na!
Kristo’y pagkabuhay-muli,
Bubuhayin pinili.
Nabuhay na! Nabuhay na!
Darating na Hari Siya!
Ang Dakalang Biyaya Ni Jesus
Ang dakilang biyaya ni Jesus sa akin,
Umid ang aking dila’t di kayang sambitin
Pasanin ko’y inibis, Diwa ko’y lumaya
Dahil sa inabot ng Kanyang biyaya!
Ref
Ang dakilang biyaya, ni Jesus,
Ay malalim pa kay sa dagat,
Ang dakilang biyaya ay sapat, Oo sapat,
Higit ang lapad sa aking sala,
Lampas sa aking kasalanan,
O! purihin natin ang kay Jesus na Pangalan!
Ang dakilang biyaya ni Jesus sa lahat,
Dahil diya’y luminis at ako’y nagligtas;
Tanikala’y naputol pinalaya ako,
Pagkat inabot ng biyaya ni Cristo!
Ang dakilang biyaya kahit na pusakal
Na salari’y nagiging tunay na ngang banal;
Kapayapaat langit, Ay idinudulot,
Sa sinumang nagtitiwala kay Jesus
Ang krus ba’y papasanin ko
1.Ang krus ba’y papasanin ko –
Ang Kordero’y sundan?
Takot bang magpatotoo,
Itakwil ang ngalan?
Ref
Ang ngalang mahalaga,
Buhay Mo’y naibigay,
Mahirap man, may biyaya,
Ako’y magtagumpay.
2.Palankin ba ’king sasakyan
Patungo sa langit?
Habang iba’y naglalaban
L’walhati’y makamit.
3.Wala bang dapat labanan?
Tagas ay pasakan?
Mundo ba’y pakisamahan?
Nang ako’y tulungan?
4.Maghahari kung naglaban,
Di-takot mangahas;
Mapahiya, magdusa man,
Salita Mo’y lakas.