Filipino Hymn A-J

Hindi ko natatalos kung bakit


1.Hindi ko natatalos kung bakit
’Ko’y tinubos ng pag-ibig,
Biyaya’y inihayag sa akin,
Nang kay Hesus mapaangkin.


Ref
Nguni’t aking talos kung sino
Ang aking pinaniniwalaan;
Iingatan Niya tiyak ako
Hanggang sa walang hanggan.


2.Kung papaano sa pananalig
Ang maligtas di ko batid,
At sa ’king pananampalataya
Ang puso ko’y mapayapa.


3.Di ko natatalos kung paano
Napaamin ng ’Spiritu
Ang tao sa sarili niyang sala,
Sa Diyos sumampalataya.


4.Hindi ko natatalos kung anong
Buti o sama mayroon,
Hirap o ginhawa para sa ’kin
Bago si Hesus dumating.


5.Di ko natatalos ang pagbalik
Ni Hesus mula sa langit,
Siya ba ay aking sasalubungin,
Sa araw o takip-silim.

 


Ibig Kong Isalaysay


1.Ibig kong magsalaysay,
Mak’langit na bagay,
Hesus, tamis ng tinig,
L’walhati’t pag-ibig.
Ibig kong magsalaysay,
Alam ko Siya’y tunay,
Nagbigay kasiyahan,
Hindi siya mahigtan.


Refrain
Ibig kong magsalaysay,
Paksang hanggang l’walhati,
Ang kasaysayang dati:
Hesus at pag-ibig.


2.Ibig kong magsalaysay,
Tila mas mahusay
Kaysa mga pangarap
At aking pagsikap;
Ibig kong magsalaysay,
Lahat na ’binigay,
Ito nga ang dahilan
Ika’y bahaginan.


3.Ibig kong magsalaysay,
Paulit na saysay,
Pag lalong sinasambit,
Lalong tumatamis.
Ibig kong magsalaysay
Sa mga walang malay,
Ng kaligtasang lubos
Sa Salita ng Diyos.


4.Ibig kong magsalaysay,
Pagka’t mga banal ay
Sabik makabalita
Tulad din ng iba.
Pagdating sa l’walhati,
Kasaysayang dati
Na pinakaiibig
Ang bago kong awit.

 


Ibigay sa Panginoon


Kay Cristo’y ating ialay ang kalakasang taglay;
At ang sundin nating tunay kalooban Niyang banal;
Si Cristo ang lagi nating sundan sa Kanyang kagitingan;
Pagtatapat sa Kanya ilaan, sampu ng ating kalakasan.


Ref
Kay Cristo’y ating ialay ang kalakasang taglay
Sa Kanyang katotohanan tayo ay manindigan.


Kay Cristo’y ating ialay ang ating pagmamahal,
Inihandog Kanyang buhay sa ating katubusan;
Ang manunubos ay ibinigay ng Dios na mapagmahal,
Kaya’t Siya ay ating paglingkuran nang buong puso’t katapatan.


Kay Cristo’y ating ialay ang ating katapatan,
Ingatan nating matibay ang Salita Niyang banal;
Hinango Niya sa kapahamakan tayong makasalanan,
Pasasalamat nati’t parangal at buong kaya ay ibigay.