Hesus, ang maisip Ka lang
1.Hesus, ang maisip Ka lang,
Puspos nang tamis na;
Higit kung masilayan Ka,
Presensya’y pahinga.
2.Hindi mahimig ng tinig,
Puso’y di malaman,
Katamisang labis ng Iyong
Pinagpalang Ngalan!
3.Pag-asa ng pusong bagbag,
Galak ng maamo,
Sa tisod at naghahanap,
Napakabuti Mo!
4.Di maipakita ninuman,
Sa wika o pluma;
Giliw lang Niya ang may batid
Ng Kanyang pagsinta.
5.O Hesus! Tanglaw ng lahat!
Bukal ng buhay Ka!
Lampas sa ’ming kagalakan,
At sa aming nasa.
6.Wala nang makapapawi,
Sa ’ming kauhawan;
Bukal Kang di mapipigil!
Ang iba ay tigang.
7.Hesus, tanging galak namin,
Gantimpalang laan;
L’walhati Ka namin ngayon,
At sa walang hanggan.
Hindi ko natatalos kung bakit
1.Hindi ko natatalos kung bakit
’Ko’y tinubos ng pag-ibig,
Biyaya’y inihayag sa akin,
Nang kay Hesus mapaangkin.
Ref
Nguni’t aking talos kung sino
Ang aking pinaniniwalaan;
Iingatan Niya tiyak ako
Hanggang sa walang hanggan.
2.Kung papaano sa pananalig
Ang maligtas di ko batid,
At sa ’king pananampalataya
Ang puso ko’y mapayapa.
3.Di ko natatalos kung paano
Napaamin ng ’Spiritu
Ang tao sa sarili niyang sala,
Sa Diyos sumampalataya.
4.Hindi ko natatalos kung anong
Buti o sama mayroon,
Hirap o ginhawa para sa ’kin
Bago si Hesus dumating.
5.Di ko natatalos ang pagbalik
Ni Hesus mula sa langit,
Siya ba ay aking sasalubungin,
Sa araw o takip-silim.
Hinanap sa paggiliw
1. Hinanap sa paggiliw,
Akong walang aliw,
Pagal, may kasalanan,
Inuwi sa kawan.
Habang sa Kanyang harapan
Mga anghel nag-awitan.
Ref
O pag-ibig sa ’kin,
Humanap, umangkin!
O dugong dulot katubusan,
Biyayang nag-uwi sa kawan!
2. Sugat ng kasalanan,
Kanyang hinugasan;
Langis, alak, ’binuhos,
Nang gumaling lubos,
Kanyang tinig na kay tamis
Lunas sa puso kong hapis.
3. Bakas ng pagkapako,
Sa aki’y ’tinuro;
Ang may tinik na putong,
Sa Kanya’y ’pinatong;
Bakit nagdanas ng dusa,
Dahil sa akin na aba?
4. Nang sa Kanyang presensiya,
Pinagmasdan ko Siya,
At Kanyang pagpapala
Aking ginunita.
Di sapat ang mga araw
Upang papuri’y isigaw.
5. Habang ang mga oras
Ay nagsisilipas,
Iisa lang na bagay
Aking hinihintay;
Na sa tabi Niya’y tawagin,
Kasintahan Niyang kapiling.