Diyos ko, gabayan Mo ’ko
1.Diyos ko, gabayan Mo ’ko,
Mamuhay sa ’spiritu;
Lumakad sa Iyong sinag,
Tigil sa ’king pagsikap.
Ref
Panginoon,
Gabayan ako ngayon;
Sa Iyong agos ng buhay,
Sa aking paglalakbay.
2.Patnubayan Mo ako,
Sa batas ng buhay Mo;
Akin Kang awtoridad,
Dilim maging liwanag.
3.Nagpalayang ’Spiritu,
Isaayos Mo ako;
Baguhin ang isip ko,
Malaman kalo’ban Mo.
Doon sa Krus Namatay si Jesus
Doon sa Krus Namatay si Jesus
Doon tinangisan ang sala;
Doon dugo sa puso’y naadya
Gloria sa Kanya.
Koro:
Gloria sa Kanya, Gloria sa Kanya,
Doon dugo sa puso’y naadya
Gloria sa Kanya. (Amen.)
Ako ay naligtas na puspos
Si Jesus ay nasa ’king lubos;
Ako‘y kinupkop doon sa krus
Gloria sa Kanya.
O! bukal na nakalilinis
Ako ay galak sa paglapit;
Doon naligtas akong pilit
Gloria sa Kanya.
Magsilapit kayo sa bukal,
Upang kayo ay maging banal;
At nang kayo ay maging sakdal
Gloria sa Kanya.
Doon sa Krus
Tunay dugo’y itinigis ng Haring nagtiis
Buhay N’ya’y sadyang inalis ng taong Bulisik
Chorus
Do’n sa krus, do’n sa krus
Liwanag ay namasdan
At ang tigib kong puso’y naibsan
Do’n ko natanggap aking katubusan
Masaya ako kailanman
Dahil ba sa aking sala Siya’y nahirapan
Sa awang walang kapantay Pag ibig N’ya’y tunay
Ang puso ko’y hinugasan Ng dugo N’yang mahal
At sa kanya ihahandog Ang buo kong buhay.
Ang ama ay lualhatiin
Anak ay ating purihin
Nang ipatnubay sa atin,
Espiritung mang-aaliw Amen.