Filipino Hymn A-J


Ang Dios Anak kusang nanaog
Pagkat tayo’y kanyang mahal;
Doon sa Krus tayo’y sinakop,
Ngunit nagbangon din buhat sa libingan.

Koro
Dahil tunay na buhay si Cristo,
Napawi na ang takot ko;
Dahil hawak ng Dios ang bawat araw
Ang puso ko’y panatag dahil Siya’y buhay.


Kung may sanggol na bagong silang,
Pusong ina’y nagagalak;
Ngunit lalong kaligayahan
Kung ang batang iyon kay Cristo’y tatanggap.


Pag sa mundo ako’y lumisan,
Hirap, sakit magwawakas;
Tutunguhin langit na bayan,
Sasapiling ni Cristong Tagapagligtas.



Panginoon kung aking mapagmasdan
Sansinukob na Iyong nilalang
Mga bituin, kulog sa kataasan
Tanda ng Iyong kapangyarihan


Koro
Umaawit ako Dios ko’t Ama
Dakila ka, dakila ka
Umaawit ako’t sumasamba
Dakila ka, dakila ka


Kung pagmasdan ang mga kagubatan
Mga ibon ay nag-aawitan
Sa bundok ay aking natatanawan
Mga batis, daloy walang hanggan


Ang Dios Anak, hindi ipinagkait,
Dahilan sa Kaniyang pagibig,
Doon sa krus aking sala inako,
At namatay , tinigis ang dugo


Kung dumating si Cristong Hari natin
At sa langit tayo ay dadalhin
Magpupugay at aking sasabihin
Dakila ka, Ama at Dios namin


Dalhin ang Ilaw


1. Tawag ng manga alo’y napakinggan
Na dalhin ang Ilaw.
May mga kaluluwang nadidimlan
At nangaliligaw.


Koro:
Ang Ilaw ng bagong balita
Itanglaw na sa madla
Ang Ilaw ng bagong balita
Itanglaw na sa madla.


2. Tawag ng Macedonia’y napakingan:
“Na dalhin ang Ilaw!”
At ang aming tulong ay nalalaan
Kung dalhin ang ilaw.


3. Biyaya ni Kristo’y saganang tunay.
Na taglay ang Ilaw
At ang Kanyang aral ay isalaysay
Sa manga naligaw.


4. Sa gawang pagibig hwag manglupaypay
At dalhin ang Ilaw
At samantalang may buhay na taglay
Itanglaw ang Ilaw.