Mga Panahon ni Elias
Ito ang mga panahon ni Elias
habang ibinibigay niya ang mga utos ng Diyos
at ito ang mga panahon ng Inyong lingkod na si Moises
nagbabalik-loob ang lahat
Kahit na ito’y panahon ng malalagim na salot
ng gutom, kadiliman at tabak
Ganito ang isinisigaw natin:
“Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang.”
Ref
Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap
nagliliwanag na parang araw! sa hudyat ng tunog ng trumpeta
Sumigaw kayo! Taon na ng Paglaya!
at sa Zion, dumarating na ang inyong Tagapagligtas!
At ito ang mga panahon ni Ezekiel
Ang mga tuyong kalansay ay nagkaroon ng litid at laman
at ito ang mga panahon ng Inyong lingkod na si David
muling itinatayo ang templo ng pagpuri
at ito ang mga panahon ng anihan
Ang bukid ay hinog na sa daigdig
at kami ay mga manggagawa sa Inyong ubasan
ibinibigay ang mga aral ng Diyos!
Bridge
Ang Diyos ng nakaraan, kasalukuyan at siyang darating
Nararapat ang kordero banal
Nararapat ang kordero banal banal siya lang aawitan nakaupo sa trono
ng mahabaging langit karapat-dapat korderong pinatay
banal banal kailanman bagong awit ihandog sa haring naka luklok sa langit
Chorus
Banal banal banal ang diyos makapangyarihan noon ngayon at darating
Nilikhay aawit papuri sa hari ikaw lahat sa akin ika’y pupurihin
Nararamtan ng bahaghari ningning ng kidlat ugong ng
kulog papurit karangalan lakas at luwalhati kapangyarihan ay sa hari
Nababalot ng kamanghaan kung ngalan moy sinasambit
ngalan moy kapangyarihan hininga at tubig ng buhay misteryo at kababalaghan
Narito Ako
Dios ng dagat at langit
Taghoy nami’y narinig
Sa mga napipiit
Kalayaan
May likha ng mga bitwin
Karimlan ay pawiin
Sinong tatanglaw pa rin?
Sinong hahayo?
Chorus
Narito Ako
Ako’y isugo mo
Rinig ko ang panawagan mo
Ako’y hahayo
Pangunahan mo
Kahit pa sa dulo ng mundo
Dios ng nyebe at sigwa
Pinasan aming dusa
Labis mang sinisinta
Tinalikdan
Mga pusong nanlamig
Palitan ng pag-ibig
Utos mo’y naririnig
Sinong hahayo?
Dios ng hangin at liyab
Kalingain ang mahirap
Dulang Mo’y itatakda
Magliligtas
Ang tinapay ay laan
Nang kami’y masiyahan
Buhay Mo’y ibibigay
Sinong hahayo?