Filipino Gospel Song

Dios at Dios Lamang


Dios at Dios lamang
Ang may likha nitong buong mundo
Karangyaan man ay hindi
Dapat maluwalhati
Ang Dios at Dios lamang


Dios at Dios lamang
Naghahayag ng katotohanan
Gawain ng mga tao
‘Di magpapabago
Sa Dios, sa nais Niya


Chorus:
Dios at Dios lamang
Ang hari ng buong kalawakan
Lahat ng may buhay
Papuri’y ialay
Sa Dios at Dios lamang


Dios at Dios lamang
Ligaya sa walang hanggang buhay
Siyang pinakamimithi
Magsasawa’y hindi
Sa Dios at Dios lamang

 


Hanapin mo muna’y kaharian ng Diyos


Hanapin mo muna’y kaharian ng diyos
At Kanyang katuwiran
Lahat ng ito’y maidaragdag sa iyo
Halleu, Halleuiah!


‘di lang sa pagkai’y nabubuhay tayo
Kundi sa bawat salita
Namumutawi sa labi ng Diyos
Halleu, Halleuiah!


Humingi at ito ay ibibigay sa iyo
Maghanap at makakasumpong
Kumatok at pinto’y bubuksan para sa iyo
Halleu, Halleuiah!

 


Hari ng mga Hari


1. Naghihintay sa kadiliman
Walang pagasa’t liwanag
Mula sa langit bumaba
Laman ng ‘yong mata’y habag
Katuparan ng pagdating
Ng pangakong Salita
Mula sa dako ng luwalhati
Ikaw ay nagpakumbaba.


CHORUS
Ang papuri ay sa’Yo
Ama Anak at Espiritu
Karangalan ay sa’Yo
Purihin ang Hari ng hari.


2. Ihahayag ang kaharian
Upang magbalik loob
Lahat ng makasalanan
Tinubos ng ‘Yong dugo
Sa gitna ng pagdurusa
At hirap na Iyong taglay
Para saming kaligtasan
Inalay mo ang ‘Yong buhay.


3. At sa kinaumagahan
Ang langit ay naghintay
Sa muli Mong pagkabuhay
Hesus Ika’y nagtagumpay
Bumangon ang nakahimlay
Mga anghel ay namangha
Bibigyan ng bagong buhay
Ang lumapit sa Ama.


4. Sang dakilang pagkilos
Ng Banal na Spirito
Ebanghelyong ihahayag
Di kailanman’y matitinag
Sa kanyang dugo’t pangalan
Ako ngayo’y malaya na
Sa pag-ibig ni Hesus
Ang buhay ko’y binago Nya.

 


Higit sa lahat


Higit kapangy arihan
Higit sa mga hari
Sa buong kalikasan at lahat ng nalikha
Lahat ng isip, at talino ng mundo
Ikaw ay naluklok bago ito


Lahat ng kaharian
at mga trono
Lahat ng kaalaman at gawi sa mundong ito
Lahat ng pagaari at kayamanan ng tao
Walang sukat ang sasapat sayo


Chorus
Pinako ka
Iniwan-sa-batong puntod
Nabuhay-upang mamatay
Iniwang nagiisa
Isang rosas, inapakan sa lupa
kasalanan ay inangkin mo
at naisip ako

and


Makapangyarihan ang aking diyos
Mga likha nya ay napapaluhod
Ang karunungan sa kanya nagmula
Sya ang wakas at ang pasimula


Mga bansa at mga hari
Sa paghuhukom ika’y mag Hari
Namamangha sa kagandahan mo
Wala nang makahihigit Sayo


Chorus
Si Hesus nagpapako sa krus
Nabuhay sya’t tinakwil ng iba
Wari’y rosas na inapak-apakan
Hari ka man nagpakumbaba sa’yong likha